[Verse 1]
Ang 'yong ngiti at labi
Ay alaala na lang bang masisilip?
Ang 'yong mga mata'y nagniningning
Na para bang may sinasabi
[Pre-Chorus]
Dumidilim na ang gabi, lumiliwag ang buwan
Alaalang kay saya, nabahiran ng lungkot
Lumalalamig na ang gabi, ika'y wala pa rin
Asahan mong ako'y maghihintay
[Chorus]
Ang panaho'y lilipas din
Nasa'n ka, aking mahal?
Ano nga ba ang aking gagawin?
Kung patuloy kang tinaboy ng hangin
Palayo ng palayo sa akin
[Verse 2]
Heto, na nasa pagitan tayo ng umaga at gabi
O kay bilis ng iyong pag-alis at ngayo'y nag-iisa
Nanlalamig na ang ihip ng hangin
Sa yakap mo ako'y 'di nalulumbay
[Pre-Chorus]
Dumidilim na ang gabi, lumiliwag ang buwan
Alaalang kay saya, nabahiran ng lungkot
Lumalalamig na ang gabi, ika'y wala pa rin
Asahan mong ako'y maghihintay
[Chorus]
Ang panaho'y lilipas din
Nasa'n ka, aking mahal?
Ano nga ba ang aking gagawin
Kung patuloy kang tinaboy ng hangin
Palayo ng palayo sa akin
[Bridge]
Lahat ay aking ipipilit
Masabihan mang ako'y mapilit
Aanhin ko ang gabing paulit-ulit
Kung ika'y mawawala na sa akin?
[Chorus]
Nasa'n ka na, aking mahal?
Nananabik sa iyong halik
Lahat ay aking kakayanin
Basta ngayong gabi, ako ang katabi
[Interlude]
Aah-ah, aah-ah
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh
[Coda]
Dumidilim na ang gabi, lumiliwag ang buwan
Alaalang kay saya, nabahiran ng lungkot
Lumalalamig na ang gabi, ika'y wala pa rin
Ano nga ba ang gagawin
Kung patuloy ka nang sumama sa hangin?
Palayo ng palayo sa akin
Palayo, 'wag lumayo sa akin
Takipsilim was written by Bryan Chong.
Takipsilim was produced by Kedy Sanchez.
Bryan Chong released Takipsilim on Tue Jan 28 2020.