“Takdang Aralin” (Assignment) is a song that talks to new rap artists on how to survive the ever changing and challenging world of the recording industry. More importantly the song tells us that perseverance, respect, and love for your craft is what will matter in the end.
This song was introduced...
Gloc-9
Pano ba sumulat (Pano ba)
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat? (Mulat)
Gloc-9
Yung nakakagulat (gulat)
At lahat ay gustong umakbay sayong balikat (gustong umakbay)
Gloc-9
Pano ba sumulat (Pano ba)
Ng letra upang ang mga mata ay mamulat? (Mulat)
Gloc-9
Yung nakakagulat (gulat)
At lahat ay gustong umakbay
Kung walang asukal sa kape, dapat makale
Kahit na ano pang ingay d'yan, okay lang kami
Kapag merong makikiraan ay tumatabi
Papel at panulat sa kamay ang aming pambili
Sa tindahan ng buhay, lagi naming pambayad
Nagsawa na'ko sa gulay, lalakad lang ng banayad
Buhat-buhat ang karne, mga kamay na may lamat
Ang nakaguhit sa palad ay prenong 'di sumasayad
Mabilis, mabangis, palihis man ang alon
Natuto nang sumagwan sa bangka na walang tapon
Nainis sa panis na diniss mo kahapon
Piliin ang laban at ang papatulan na hamon
Dahil 'di kailangang patunayan ang sarili
Sa taong ang pinangungusap lang ay gitnang daliri
Ang sa'yo ay sa'yo kahit na 'di ka mapili
Basta handa kang lasahan kahit ang nakakadiri
Magtanim ay 'di biro, pwede kang matibo
Paglusong mo sa putik, kailangan mong maligo
Ano mang iyong piliin, dapat mahalin
At huwag kalimutang gawin ang takdang aralin
Magtanim ay 'di biro, pwede kang matibo
Paglusong mo sa putik, kailangan kang maligo
Ano mang iyong piliin, dapat mahalin
At huwag kalimutang gawin ang takdang aralin
'Di madali, mahirap, pinaghirapan ko 'yun
Buhayin ang kulisap sa kamay na nakakuyom
Intindihin ang sinabi sa tenga nang pabulong
Alam mo kung sa'n liliko kahit hindi ka lumingon
Luwagan mo ang kapit nang hindi ka bumibitaw
Aralin ang sinapit ng mga unang gumalaw
Huwag mong ihain ang kanin kung ang sinaing ay hilaw
Lalo na kung alam mo na ang nagluto ay ikaw
Ang gusto kong sabihin ay napakasimple lang
'Di mo dapat pinapakinggan ang imposible 'yan
Kapag meron kang naipon at alam mo kung ilan
Pumunta ka sa palengke, sabihin mo pagbilhan
Basta manahimik ka lang 'pag 'di ka kinakausap
Inuupuan ang silya, hindi ito binubuhat
Magsuot ka ng relo, iwasang maging makunat
'Pag hindi ka dumating sa oras, 'yan ang mauulat
Magtanim ay 'di biro, pwede kang matibo
Paglusong mo sa putik, kailangan mong maligo
Ano mang iyong piliin, dapat mahalin
At huwag kalimutang gawin ang takdang aralin
Magtanim ay 'di biro, pwede kang matibo
Paglusong mo sa putik, kailangan kang maligo
Ano mang iyong piliin, dapat mahalin
At huwag kalimutang gawin ang takdang aralin
Takdang Aralin was written by Gloc-9.
Takdang Aralin was produced by Gloc-9.
Gloc-9 released Takdang Aralin on Fri Feb 07 2020.