[Pre-Chorus: Ghuddist Gunatita]
Batid na natin na, hindi madali
Kahit papano'y ‘wag mo kalimutang ngumiti
Bilis ng oras, namnamin ang bawat sandali
Anumang dagok maayos din ‘yan sa huli
[Chorus: KJah]
Kaya tahan na, tahan na
Mayroong bukas pa
Tahan na, tahan na
‘Di ka rito nag-iisa
Tahan na, tahan na
Isantabi pangamba
Tahan na, tahan na
Ang iyong pag-aangi ng mga dinadala
[Verse 1: KJah]
May pagkakataong hindi alam ang gagawin
Sanhi ng pagkakamaling, pinagsisihan din
Humihiling ng himala, oras pabalikin
Matutong tanggapin, ngayon ang dapat tuparin
Hindi ko pa maubos, ang nalalabi na tinta
Pipilitin mong iguhit mga bahay na hindi pa kita
Madalas ang tungo natin, matarik palayo at umiiwas
Matapik
Kaya pagka nadapa, kumplikado at alanginin, man saglit
Kapatid wag kang mapag-isa, sa mapanlinlang na isla
Nilikha ng kathang-isip, dagat na puno ng dinamita
Tumipa ng tamang himig, sangkap natural na medisina
Sana sa lamig at init, pakatibay ka sa kada klima
Halika
[Pre-Chorus: Ghuddist Gunatita]
Batid na natin na, hindi madali
Kahit papano'y ‘wag mo kalimutang ngumiti
Bilis ng oras, namnamin ang bawat sandali
Anumang dagok maayos din ‘yan sa huli
[Chorus: KJah]
Kaya tahan na, tahan na
Mayroong bukas pa
Tahan na, tahan na
Di ka rito nag-iisa
Tahan na, tahan na
Isantabi pangamba
Tahan na, tahan na
Ang iyong pag-aangi ng mga dinadala
[Verse 2: Ron Henley]
Di naman ako nag mamagaling
Sugatan din ako't nagpapagaling
Naging biktima ng mga matatamis na ngiti na nakakalasing
Kahit ang kapalit, mapait
Alam kong may maganda ring balik
Anong basa sa alibatang tattoo nya kapit ng kapatid
Ang musika ang sumasagip sa akin pag-nababagot
Iningatan wag maputol ‘yung lubid, kun’di malalagot
Itong mga balat-sibuyas, may hawak ka lang na dahon
Naging alagad ka agad ni Hudas
Pare-pareho lang tayo ng kinakagatan na prutas
Diskarte ng paghuhugas
Lalo na kung walang pamunas
Hanapan na lang ba ng butas
Balutin mo man ng ginto ang tanso
Lalabas din ang tunay mong anyo
Handa ako magpatalo
Basta 'yun ay kung ang laro ay agawan ng panyo
[Pre-Chorus: Ghuddist Gunatita]
Batid na natin na, hindi madali
Kahit papano'y ‘wag mo kalimutang ngumiti
Bilis ng oras, namnamin ang bawat sandali
Anumang dagok maayos din ‘yan sa huli
[Chorus: KJah]
Kaya tahan na, tahan na
Mayroong bukas pa
Tahan na, tahan na
‘Di ka rito nag-iisa
Tahan na, tahan na
Isantabi pangamba
Tahan na, tahan na
Ang iyong pag-aangi ng mga dinadala
[Bridge: Ghuddist Gunatita & KJah]
Mag patuloy ka
Tuklasin ang pagkabuhay
Alamin ang kasagutan
Harapin sa salamin ang katanungan
Magpatuloy ka
(Tahan na, tahan na)
(Mayroong bukas pa)
Di ka nag-iisa
(Tahan na, tahan na)
(‘Di ka rito nag-iisa)
Hindi ka nag-iisa
(Tahan na, tahan na)
(Isantabi pangamba)
(Tahan na, tahan na)
Iyong pag-aangi ng mga dinadali
[Pre-Chorus: Ghuddist Gunatita]
Batid na natin na, hindi madali
Kahit papano'y ‘wag mo kalimutang ngumiti
Bilis ng oras, namnamin ang bawat sandali
Anumang dagok maayos din ‘yan sa huli
[Chorus: KJah]
Kaya tahan na, tahan na
Mayroong bukas pa
Tahan na, tahan na
‘Di ka rito nag-iisa
Tahan na, tahan na
Isantabi pangamba
Tahan na, tahan na
Ang iyong pag-aangi ng mga dinadala
Tahan Na was written by KJah & Ron Henley.
Tahan Na was produced by Tatz Maven.