Being one of the first songs she has ever written, Pappel’s “Taguan sa Maliwanag na Buwan” metaphorically describes the mysteries of love; how it unexpectedly comes and gives you all sorts of feelings. From having doubts of holding onto hope, to being certain and taking risks. (Courtesy of: O/C Reco...
[Verse 1]
Nadatnan ang kalangitan
Sumulpot na naman ang maliwanag na buwan
Maaari kaya tayong hilahin
Papalapit ng puwersang ito sa isa’t isa
At magkita nang hindi inaasahan
[Pre-Chorus]
Sana
Bakit hindi, 'di ba?
[Chorus]
Tila naglalaro tayo ng tagu-taguan
O 'di kaya'y parang sumisid sa kailalimang
Karagatan ng tao
Lumubog at umahon, lumilingon-lingon
Nasaan?
Walang kaalam-alam na ako pala’y
[Verse 2]
At nang matagpuan
Ako'y iyong hinagkan
Tulad ng paghalik ng dilim ng gabi
Sa maliwanag na buwan
Kalakip pa ang mga tala na sumisimbulo
Sa nag-aalab na nadarama
Ayoko nang kumawala
[Pre-Chorus]
Sana
Bakit hindi, 'di ba?
(O bakit, bakit hindi)
[Chorus]
Tila naglalaro tayo ng tagu-taguan
O 'di kaya'y parang sumisid sa kailalimang
Karagatan ng tao
Lumubog at umahon, lumilingon-lingon
Nasaan?
Walang kaalam-alam na ako pala’y
[Post-Chorus]
Ooohh, ooohh, oooohh
[Bridge]
'Di ko inakala
'Di makapaniwala
Na para bang ito’y isang
Panaginip lang
Pasalamat kay Bathala
Landas natin pinagtama
Makadaupang palad
Sinta ika’y aking hinahangad
'Di ko inakala
'Di makapaniwala
Na para bang ito’y isang
Panaginip lang
Pasalamat kay Bathala (Pasalamat kay Bathala)
Landas natin pinagtama (Landas natin pinagtama)
Makadaupang palad
Sinta ika’y aking hinahangad
[Chorus]
Tila naglalaro tayo ng tagu-taguan
O 'di kaya'y parang sumisid sa kailalimang
Karagatan ng tao
Lumubog at umahon, lumilingon-lingon
Nasaan? (Nasaan?)
Walang kaalam-alam na ako pala’y iyong
Natagpuan
[Post-Chorus]
Ahhh, aaahh
Ooooohhhh oohhhhh
[Outro]
Ako pala’y natagpuan
Taguan sa Maliwanag na Buwan was written by Pappel.
Taguan sa Maliwanag na Buwan was produced by Kean Cipriano & Pappel.
Pappel released Taguan sa Maliwanag na Buwan on Fri Sep 24 2021.