Susi is about refusing to give up and finding one’s self amid the adversities of chasing a dream. It was composed by Paolo and Miguel during a rough patch during their college days.
Ika'y nakulong sa maling pag-iisip
Pangarap mo raw mananatiling isang panaginip
Sabi nila di raw kakayanin
Kaya't ika'y sumuko
At nagpasyang huwag nang subukin
Nagkamali ka ng napuntahan
Pero ikaw ay natauhan
Bumaling ka lang sa tamang daan
Ilang beses man madapa't sumubsob
Kailanma'y gawing matatag ang iyong loob
Mga batikos huwag nang diringgin
Pakawalan lang yan sa hangin
Bukas ay malapit na ring dumating
Lumaban ka pa rin
Balikan kung bakit ba nagsimula
Bago mo sabihin na ayaw mo na
Huwag mong sosolohin
Di ka mag-isa
Ikaw pa rin ang susi sa takbo ng iyong tadhana
Nakulong, nakulong, nakulong ka...
Sa maling pag-iisip mo
Nakulong ka
Lisanin man ang mundo
Huwag ka lang susuko
Nandito lang ako
Mga batikos huwag nang diringgin
Pakawalan lang yan sa hangin
Bukas ay malapit na ring dumating
Lumaban ka pa rin
Balikan kung bakit ba nagsimula
Bago mo sabihin na ayaw mo na
Huwag mong sosolohin
Di ka mag-isa
Ikaw pa rin ang susi sa takbo ng iyong tadhana
Susi was written by Paolo Benjamin & Miguel Benjamin.
Susi was produced by Ben&Ben.