[Verse 1]
Buwan ng Pebrero
Buwan ng pagbabago
Anong klaseng pagbabago?
Ano sa palagay mo?
Bumaha ng pangako
Lason ay isinubo
Tuloy sa pagkakapako
May utang, pati apo
[Pre-Chorus]
Kasinungalingan
Isang kahangalan
Walang libreng kalayaan
Ito'y pinagbabayaran
Palabas na moro-moro
Ito kaya ay totoo?
EDSA ng pagbabago
Saan, kailan, kanino?
[Chorus]
Sayaw, sayaw
Sayaw sa bubog
Ang naglalakad nang tulog
Ay tiyak na mauumpog
Sayaw, sayaw
Sayaw sa bubog
Ang naglalakad nang tulog
Ay tiyak na mauumpog
[Verse 2]
Tuloy ang ligaya
Sa iba't ibang hacienda
Manggagawa't magsasaka
Kumakalam ang sikmura
Sarisaring kaguluhan
Nakawan, karahasan
Kailan niyo titigilan
Ang mga mamamayan?
[Pre-Chorus]
Kasinungalingan
Isang kahangalan
Walang libreng kalayaan
Ito'y pinagbabayaran
Palabas na moro-moro
Ito kaya ay totoo?
EDSA ng pagbabago
Saan, kailan, kanino?
[Chorus]
Sayaw, sayaw
Sayaw sa bubog
Ang naglalakad nang tulog
Ay tiyak na mauumpog
Sayaw, sayaw
Sayaw sa bubog
Ang naglalakad nang tulog
Ay tiyak na mauumpog
[Bridge]
Buwan ng Pebrero
Buwan daw ng pagbabago
Anong klaseng pagbabago?
Saan, kailan, kanino?
[Instrumental Break]
[Chorus]
Sayaw, sayaw
Sayaw sa bubog
Ang naglalakad nang tulog
Ay tiyak na mauumpog
Sayaw, sayaw
Sayaw sa bubog
Ang naglalakad nang tulog
Ay tiyak na mauumpog
Sayaw Sa Bubog was written by Chickoy Pura.
The-jerks released Sayaw Sa Bubog on Fri Nov 07 1997.