[Verse 1]
Hanggang ngayon ay alaala
Sa t'winang araw nating nagdaan
Ngayo'y muli tayong nagkita
Puso ko'y anong sigla at saya
[Pre-Chorus]
Ngunit bakit ngayon lang nagkita
Kung kailan tayong dalawa'y
Kapwa 'di na pwede pang magsama
[Chorus]
Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na 'di ko makakamtan sa iyo
[Verse 2]
Damdamin ay 'di maintindihan
Puso ko'y ikaw ang siyang sinisigaw
Ngunit sadyang 'di sa isa't isa
Bakit ba huli na ng tayo'y muling nagkita
[Pre-Chorus]
Kung maibabalik ang kahapon
Sana'y 'di nagkawalay
Alaalang nagdaan 'di malimutan
[Chorus]
Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na 'di ko makakamtan sa iyo
[Bridge]
Alam kong kapwa tayong dalawa'y nakatali na
Puso'y 'di mapigilan ang sigaw
Mahal pa rin kita
[Chorus]
Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na 'di ko makakamtan
Sayang na sayang talaga (Sayang na sayang)
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga (Mahal pa rin kita)
Pagmamahal na 'di ko makakamtan sa iyo
Sayang Na Sayang was written by .
Aegis released Sayang Na Sayang on Fri Oct 04 2002.