[Verse 1: Raphaell Ridao & Gian Bernardino]
Nahuhulog na pala
Mga dahon ng alaala ng nakaraan
Nakalatag na sa 'ting daan
Nalulunod na pala
Sa oras at kahit pa bali-baliktarin
Ang agos ay nakakulong pa rin
[Pre-Chorus: Raphaell Ridao & Gian Bernardino]
Sumasabog na ang mga bituin
Maaari bang tanungin?
Kung maabot man natin ang hanggan
Tatalon ka ba? Kasi ako
[Chorus: Raphaell Ridao & Gian Bernardino]
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago aking pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali
[Verse 2: Raphaell Ridao, Gian Bernardino & All]
Mawala man sa gitna
Ng gulo ay hahawakan ang iyong kamay
Tayo ay sabay na lalakbay
Sa kalawakan na magsisilbing
Tulay tungo sa ugnayan ng
Ikaw at ako (Ikaw at ako)
Tatalon nang sabay
(Hey)
[Chorus: Gian Bernardino & Raphaell Ridao]
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago ating pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali
[Bridge: Gian Bernardino & Raphaell Ridao]
Tubig nasusunog, hangin nananakal
'Di man alam ang gagawin
Sa'yo pa rin, sa'yo pa rin
Ulap nalulunod, araw giniginaw
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling (Sandali)
[Chorus]
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago ating pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali
[Outro: All]
Kahit pa ang mundo ay gumuho
At ang kalangitan ay mahulog
'Di man alam ang gagawin
Sa 'yo pa rin, sa 'yo pa rin
Kahit araw at buwan ay magtalo
'Di magbabago ating pagsamo
Tanging hiling, tanging hiling
Ikaw ang aking huling sandali
Sandali was written by Gian Bernardino & Raphaell Ridao & Xen Gareza & CJ Fernandez & Gab Fernandez.
Sandali was produced by Shadiel Chan & Jovel Rivera.
Cup-of-joe released Sandali on Wed Sep 10 2025.
Official Lyric Video