Sana Di Na Lang by Dello (Ft. Jeazell)
Sana Di Na Lang by Dello (Ft. Jeazell)

Sana Di Na Lang

Dello

Download "Sana Di Na Lang"

Sana Di Na Lang by Dello (Ft. Jeazell)

Release Date
Wed Jul 20 2011
Performed by
Dello
Produced by
Writed by
Dello

Sana Di Na Lang Lyrics

[Verse 1: Dello]
Ayoko nang isipin, ayoko nang sapitin
Ako na 'yong alipin at ayoko nang pilitin pa sa'yo
Dapat kong ituloy na ang paglayo
Biktima nitong tadhana natin na mapaglaro
Dahil kung titignan sa titig lang, para bang nabibiglang
Naiwan tulala nang dahil lamang sa pag-ibig lang
'Di na mapagbibigyan at 'yon ang masakit
Sana ay hindi na lang pala sa'yo napalapit
Sa napiling mahalin ay bakit ba sa'yo pa nga ba?
At ang Dellong mainipin pagdating sa'yo mahaba
Ang pasensya at nagti-tiyagang nag-aabang kahit ilang
Beses nang pinagmumukhang tanga't hibang nagbibilang
Ng aking pagkakataon, pero ba't nagkagano'n?
Mahal kita, mahal mo siya, nagtataka't nagtatanong
Kung bakit ka naging tanga para lang maloko niya
Ako naman ang mas tanga dahil kahit ayoko na
Nagbabalik pa rin at ako'y sa'yo'y palagi
Pero 'di ka naman sa'kin kailanman 'di maaari
Sa'kin ikaw ang reyna, 'di naman ako ang hari
Kung alam ko lang nung una, 'di na sana 'to nangyari
'Di na sana naganap, ako na sana'y naghanap
Ng ibang dapat ibigin, 'di na sana 'ko hirap
Sa kalagayan ko ngayon kung nalaman ko noon
Na mai-inlove pala ko kaagad sa isang iglap
Sana 'di na lang

[Chorus: Jeazell]
'Di na sana kita nakilala
'Di na sana ako lumapit
'Di na sana kita nakilala
'Di na sana ako nagdurusa nang dahil lang sa'yo

[Verse 2: Dello]
Sana ay nung umpisa hindi na tayo nagtabi
Kaya ngayon ay alanganin napa-ibig mo kasi
At naging kabado na 'ko kahit 'di pa nagkape
Umaasta na ayos kahit na hindi naman kami
Sana 'di ka napayuhan tungkol sa mga ex
Sana wala 'kong cellphone para 'di ka naka-text
Nung in-add kita sa Facebook, sana 'di mo in-accept
Ngayon sarili ko, bakit ba hindi ko masagip?
Sana 'di na umalalay sa'yo sa pagtawid
Pagpunta mo sa Cavite, sana 'di na naghatid
At ang aking nahawakan, sana 'di sa'yong kamay
Kaya ako'y nahihirapan 'pagkat 'di ngayon sanay
Na wala ka sa tabi, parang wala sa katinuan
Sana 'di na uminom para 'di ka nakainuman
Sana 'di na naglasing para 'di naging praning
Na kahit magpakasabog sitwasyon gano'n pa rin
Na ako'y isang alalay na laging nakasunod
Na kahit ka pa nakalugay at kahit nakapusod
Maganda ka pa rin sa paningin at palihim nakatingin
Sa'yo mula umaga, tanghali, hanggang sa gabihin
Mahirap na 'tong gapiin kahit na ipikit
Ang mga mata, bakit ba ang puso ang kulit?
Kahit nadama ulit sa damdamin ang pait
Sana 'di ka minahal dahil ang sakit

[Chorus: Jeazell]
'Di na sana kita nakilala
'Di na sana ako lumapit
'Di na sana kita nakilala
'Di na sana ako nagdurusa nang dahil lang sa'yo

[Post-Chorus: Jeazell, Dello]
'Di na sana kita nakilala
(Alam mo, 'di na talaga sana tayo nagkakilala eh?
'Di ko alam kung bakit pa tayo nagkita?
Nagkaroon pa ng ikaw saka ako)
'Di na sana ako nagdurusa nang dahil lang sa'yo
(Ngayon, 'di ko alam kung paano lulusutan
Lahat ng mga nangyayari sa'tin, 'di ko alam)

[Verse 3: Dello]
Bakit may isang ikaw na hindi pwedeng maging sa'kin?
Bakit ang mga gabi ay hindi pwedeng maging sa'tin?
Kung pwede lang na ang nadaramang 'to'y palipatin
Maisalin ko sa iba, ayaw bang marapatin
Ang pagkakataon, bakit pa ngayon pa lumitaw?
Kung kailan 'di na pwede at kailangan ko na bumitaw
Sa pag-asa ng pag-ibig na hapdi ang dinala
Kasi mahal kita nang sobra, sana 'di na lang pala

Sana Di Na Lang Q&A

Who wrote Sana Di Na Lang's ?

Sana Di Na Lang was written by Dello.

Who produced Sana Di Na Lang's ?

Sana Di Na Lang was produced by .

When did Dello release Sana Di Na Lang?

Dello released Sana Di Na Lang on Wed Jul 20 2011.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com