[Instrumental Intro]
[Verse 1]
Magmula nang makilala kita, sinta
Puso ko'y nagbago, isip ko ay naiba
Dati-rati, pag-ibig ay laruan lamang
Ngayon ay hindi na, kasing tigas ng bato ang puso ko
[Chorus]
Bakit kaya, o, bakit kaya nangyayari ito?
Kung sino pa ang minamahal mo
Siya pa ang hindi, hindi tapat sa 'yo
[Verse 2]
Dapat lang kaya na ikaw ay masisi ko, mahal?
Sinabi ko noon sa 'yo na 'wag mo naman akong paglaruan
Kasalanan ba kung kita'y mahalin, hirang?
Ang sabi nga sa akin, baka lamang ito'y pagsisihan sa hulihan
[Chorus]
Bakit kaya, o, bakit kaya nangyayari ito?
Kung sino pa ang minamahal mo
Siya pa ang hindi, hindi tapat sa 'yo
[Instrumental Break]
[Verse 3]
O, pag-ibig bakit kay lupit mo sa tao?
Ngayon ay nakita ko ang tunay na damdamin ng puso ko
Naririto
[Chorus]
Sa Diyos lamang, sa Diyos lamang
Pag-ibig na walang hanggan
Sa Diyos lamang, sa Diyos lamang
Hindi na masasaktan
Pag-ibig ng Diyos lamang (Hare Krishna)
Sa Diyos lamang (Hare Krishna)
Hindi na masasaktan (Krishna Krishna, Hare Hare)
O, sa Diyos lamang (Hare Rama)
O, sa Diyos lamang (Hare Rama)
Pag-ibig na walang hanggan (Rama Rama, Hare Hare)
O, sa Diyos lamang (Hare Krishna)
Oh oh (Hare Krishna)
Oh (Krshna Krshna, Hare Hare)
[Outro]
(Hare Rama, Hare Rama)
(Rama Rama, Hare Hare)
(Hare Krishna, Hare Krishna)
(Krishna Krishna, Hare Hare)
(Hare Rama, Hare Rama)
(Rama Rama, Hare Hare)
(Hare Krishna, Hare Krishna)
(Krishna Krishna, Hare Hare)
(Hare Rama, Hare Rama)
(Rama Rama, Hare Hare)
(Hare Krishna)
Sa Diyos Lamang was written by Gary Perez.