[Verse 1]
Araw, gabi ikaw ang aking naiisip
Kahit na sandali ay 'di nawawaglit
Naro'n ka rin maging sa aking panaginip
Tanging pangalan mo ang siyang sinasambit
[Verse 2]
Pwede kayang buksan mo ang pinto ng puso
Nang maipadama ang aking pagsuyo
At sa iyo ito'y aking ipapangako
Dito sa piling ko'y 'di ka mabibigo
[Chorus]
Ikaw ang siyang reyna, wala na ngang iba
Sa aking palasyo ay sasambahin kita
Sa bawat sandali ay iibigin ka
Sa lungkot at saya ako'y laging kasama
Ikaw lamang sinta
[Verse 2]
Pwede kayang buksan mo ang pinto ng puso
Nang maipadama ang aking pagsuyo
At sa iyo ito'y aking ipapangako
Dito sa piling ko'y 'di ka mabibigo
[Chorus]
Ikaw ang siyang reyna, wala na ngang iba
Sa aking palasyo ay sasambahin kita
Sa bawat sandali ay iibigin ka
Sa lungkot at saya ako'y laging kasama
Ikaw lamang sinta
[Bridge]
Pakaiibigin, pakamamahalin
At bubusugin ka ng paglalambing
Pasakitan ka'y hindi ko gagawin
[Chorus]
Ikaw ang siyang reyna, wala na ngang iba
Sa aking palasyo ay sasambahin kita
Sa bawat sandali ay iibigin ka
Sa lungkot at saya ako'y laging kasama
Ikaw lamang sinta
Reyna was written by Vehnee Saturno.
Derrick Monasterio released Reyna on Tue Apr 05 2016.