[Chorus: Rjay Ty & Ron Henley]
Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y
Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y
[Verse 1: Rjay Ty]
Singkit at papikit na susulat pa ng letra
Makabagong propeta dating ng aking pwersa
Kahit pa antukin sa dilim ay hinding hindi ma—
Papatulog hinubog ng bilog na buwan ang dila
Matalas kung humiwa, madalang ‘tong humina
Madalas sa kusina masmalakas tong sumipa
Hindi nga? Ang ayaw maniwala eh ‘di huwag
Bawal ang sabit patungong langit aming paglipad
‘hit hindi kitang nilalakarang hagdan
‘Di pa rin papapigil sa bawat hakbang
Hahanapin ang tamang daan, tatahakin ‘di tatantanan
‘Di maiisahan lalong bibilisan tiis lang at malalampasan
Ang hirap may ginhawa, lungkot may ligaya
May awa ang D’yos sa kanya'y magtiwala
Sa bawat pagsubok ay merong pagasa
Tuparin ang pangarap pagbangon sa kama
[Chorus: Rjay Ty & Ron Henley]
Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y
Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y
[Verse 2: Ron Henley]
Bumigat at panandalian kong maisara
Baka sakaling makasulat ng isa pa
Nung nasagap ng tenga ang tunog ng trumpeta
Sunud-sunuran sa bagsakan parang buntot ng kumeta
Umapaw ng salita kahit kulang sa pahinga
Binuklat ko ‘yung pahina, bumukas yung makina
Pero utak piniga ko pa makuha ko lang yung timpla
Nagdagdag ng sago sa gulaman naging puto sa akin ang kutsinta
Mga manok na nakatwo-piece pa nagiging paniki nakikipagtalik
Sa oras kung saan ang lahat ng lansangan bibihirang magtrapik
Pinutakti ng bubuyog ang nasusunog na bulaklak don sa may halamanan
Nilanghap nila'y usok na lumulunod sa buong pamayanan
Pagtingin ko sa kalangitan iba ang ngiti sa akin ng buwan
Marahil may araw na naman daw na dapat abangan
Binigyan tayo ng tigbebente kwatro oras
Nanghiram ako ng apatnapu’t walo babayaran ko bukas kaya
[Chorus: Rjay Ty & Ron Henley]
Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y
Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y
[Instrumental Break]
[Verse 3: Rjay Ty & Ron Henley]
Luminaw at ‘di na muling lalabo pa
Paano ba naman kasi ay alam ko na
Ngayon kung ano ang tamang paraan ng pagtantsa
Respetong iniiipon parang mga pisong umaapaw sa
May alkansyang bago ako nagka—
Ron ng buo dumakot muna ko ng katakot-takot na barya
Rinig ko ang mga tawa ng lamok
Tsismisan ng mga gamogamo kaya ‘di ako dinadalaw ng antok
Pero kahit pa gano’n na ang pabaon ng tadhana
Hinding-hindi sususko sumumpa sa mga tala
Madapa’t masugatan man ang mali ay itatama
Lahat ay posible pasasalamat kay Bathala
Palakad-lakad sa tabi gabi-gabi ‘di mapakali
Nakikipagtitigan sa kisame pakape-kape ka pa kasi
Bagong gising ‘yung iba ako'y pahiga palang sa unan
Do’n ko nakuhang mailagay ang agahan sa hapunan
[Chorus: Rjay Ty & Ron Henley]
Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y
Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y
[Outro: Rjay Ty & Ron Henley]
Yatpu na naman, yatpu na naman, yatpu na naman, yatpu!
Yatpu na naman, yatpu na naman, yatpu na naman, yatpu
Yatpu na naman, yatpu na naman, yatpu na naman, yatpu!
Yatpu na naman, yatpu na naman, yatpu na naman, yatpu
Yat!
Puyat was written by Rjay Ty & Ron Henley.
Puyat was produced by Yung Bawal.