Presyon by PABLO (SB19)
The music player is only available for users with at least 1,000 points.

Download "Presyon"

Presyon by PABLO (SB19)

Release Date
Fri Sep 13 2024
Performed by
PABLO (SB19)
Produced by
RADKIDZ & PABLO (SB19) & Josue (RADKIDZ)
Writed by
PABLO (SB19)

Presyon Lyrics

[Verse 1]
Kumusta na? Kay tagal ko nang nag-oobserba
Gabi-gabing nagtataka, ba't ba gano'n-gano'n na lang sila?
Tinanong ko sa kaniya, ang sabi niya
"'Di ko alam pero magbabayad sila"
Mm, pasensya na, matindi'ng dinanas niya
Pinulupot ang lubid sa leeg ng kaniyang kaluluwa't
Sinabit sa puno ng pamantayan nila
Habang pasan ang bigat ng bawat panghuhusga, dama mo ba?
Oh, sige, 'eto na, umpisa pa lang meron na 'kong babala
'Di ko kasalanan ang sunod na kaganapan, kayo rin naman ang nagpunla
Tuwid ay binaliko, nag-balat kayo sa kabila ng mga pasang mala-tato
Nang sa ga'no'y walang dumanak na dugo, galing sa inosente na pikit-bulag kuno
Kasinungalingan, mga paratang na wala namang kabuluhan
Galing sa boses na walang paninindigan
Kahit pa ituring mong kaibigan
Pipiliting paghaluin ang balat sa mga tinalupan, pwes
Ito na'ng oras ng paniningil, 'di na muling pasisiil
Magpipigil lang kung katotohanan na ang kikitil

[Pre-Chorus]
Mata sa mata (Mata sa mata)
Pangil sa pangil
Pinsalang ginawa
Ngayon ay harapin

[Chorus]
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Handa ka na ba sa mga bunga ng 'yong aksyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Wala ka nang magagawa pa

[Verse 2]
Lumipas ang araw, nanatili sa'king kahon
Ilang taong nakagapos, naghihintay sa panahong
Ako ay makalaya sa sariling pagkakakulong
'Di ko kailangan ng tulong kasi mas kailangan niyo 'yon
Pinili kong manahimik kahit ang kaluluwa'y gutom
Nilayo ang sarili dahil nga alam na alam kong
Wala akong ideya sa kung hanggang sa'n kaniyang tugon
Ngayong basag na'ng katahimikan, damhin mo ang presyon
Malugod akong kinawit, kasunod noo'y panlalait
Hugot-saksak sakaling pumagitan pa ang langit
Mga ganid, ba't sa halip tuldukan kahihiyan at ang pasakit?
Alulod ko'y pinuno niyo ng galit
Ang tugon, 'lang katapusang panunumbalik
Ah, malala, ang lagay niyo ngayong nakawala
Na 'ko sa'king tanikala pati saklolo balewala
Wawasakin tronong tinayo niyo na gawa sa mga hinanakit ko
Balahibo tatayo sa gagawin ko
'Etong hatol ng 'di hurado kung 'di ng isang pinagkanulo

[Pre-Chorus]
Mata sa mata
Pangil sa pangil (Yeah)
Pinsalang ginawa (Iyong ginawa)
Ngayon ay harapin (Harapin)

[Chorus]
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Handa ka na ba sa mga bunga ng 'yong aksyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Wala ka nang magagawa, walang konsiderasyon
Ramdam na ba ang presyon? (Ramdam na ba?)
Ramdam na ba ang presyon? (Ramdam na ba?)
Ikaw naman ang may gawa, 'eto ang 'yong leksyon
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Wala ka nang magagawa pa

Presyon Q&A

Who wrote Presyon's ?

Presyon was written by PABLO (SB19).

Who produced Presyon's ?

Presyon was produced by RADKIDZ & PABLO (SB19) & Josue (RADKIDZ).

When did PABLO (SB19) release Presyon?

PABLO (SB19) released Presyon on Fri Sep 13 2024.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com