[Refrain]
Yododolehiyo, adedelehiyo
Adedele, lohide, doledidi
Yododolehiyo, adedelehiyo
Adedele, lohide, doledidi
[Verse 1]
Dito sa Pitong Gatang, sa tabi ng Umbuyan
May mga kasaysayan akong nalalaman
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yodelehiyo, walang labis, walang kulang
[Verse 2]
May isang munting tindahan sa bukana ng Umbuyan
At sa kanto ng kalye Pitong Gatang
Dito ay nag-uumpukan ang ilang pilyong istambay
Na walang hanap-buhay kung 'di ganyan
[Pre-Chorus]
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yodelehiyo, walang labis, walang kulang
[Verse 3]
Ngunit bakit mayro'ng tao na katulad kong usyoso
At sa buhay ng kapwa'y usisero?
Kung pikon ang 'yong ugali at hindi ka pasensiyoso
Malamang oras-oras, basag-ulo
[Pre-Chorus]
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yodelehiyo, walang labis, walang kulang
[Refrain]
Yododolehiyo, adedelehiyo
Adedele, lohide, doledidi
Yododolehiyo, adedelehiyo
Adedele, lohide, doledidi
[Verse 4]
Imposible ang maglihim kung ikaw ay mayro'ng secret
Sa Pitong Gatang, lahat naririnig
Kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik
Magpatay-patayan ka bawat saglit
[Pre-Chorus]
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yodelehiyo, walang labis, walang kulang
[Verse 5]
Itong aking inaawit, ang tamaa'y 'wag magalit
'Yan nama'y bunga ng yaring isip
Ang Pitong Gatang kailanma'y gunitang 'di mawawaglit
Taga-rito ang aking iniibig
[Refrain]
Yododolehiyo, adedelehiyo
Adedele, lohide, doledidi
[Outro]
Yodolehi, yodolehi
Oh-oh, doledihidi
Oh-oh, doledihidi
Pitong Gatang was written by Fred Panopio.
Fred Panopio released Pitong Gatang on Thu Jan 01 1959.