[Verse 1]
May bahagi ng puso ko
'Di pa mabigay sa'yo
Hindi ko pa nabawi sa kanya
Gusto ko sanang buong-buo na ako para sa'yo
Mahal ko, mahihintay mo ba?
[Pre-Chorus]
Kaunti pang pasensya
Kaunti pang panahon
[Chorus]
Hinahanap ko pa'ng nawalang ngiti sa 'king labi
Naiwanan sa dati
Hihilumin ko pa'ng aking puso na nasugatan
At 'di pinaglaban
Mahal kita pero hindi sapat ang pira-piraso
[Verse 2]
Kitang-kita sa'yo'ng mata
Pag-alinlangan at pangamba
Mula noong sinabi ko sa'yo
Na 'di ko pa kayang ibigay
Ang wala pa sa 'king kamay
Pinupulot ko pa't binubuo
[Pre-Chorus]
Kaunti pang pasensya
Kaunti pang panahon
[Chorus]
Hinahanap ko pa'ng nawalang ngiti sa 'king labi
Naiwanan sa dati
Hihilumin ko pa'ng aking puso na nasugatan
At 'di pinaglaban
Mahal kita pero hindi sapat ang pira-piraso
Oh, oh, oh
[Bridge]
Mahal, 'wag kang mag-alala
Sa'yo pa rin pupunta
Ang puso kong inaayos ko para sa'yo
Pero kung 'di mahintay
Bibitawan ang 'yong kamay
Tanging gusto ko ang ikaliligaya mo
[Chorus]
Pero hinahanap ko pa'ng nawalang ngiti sa 'king labi
Naiwanan sa dati
Hihilumin ko pa'ng aking puso na nasugatan
At 'di pinaglaban
Mahal kita pero hindi sapat
Mahal kita pero hindi sapat ang pira-piraso
Pira-piraso was written by Issa Rodriguez.
Pira-piraso was produced by Paulo Agudelo.
Mariane-osabel released Pira-piraso on Fri Jul 22 2022.