[Chorus: Andrea]
Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Ikaw at ako
Mabasa man tayo ay walang makakaalam
Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Kung walang masilungan
Ay laging bukas ang aking pintuan
[Verse 1: Pio]
Malakas ang hampas ng hangin
Teka lang, parang uulan na naman
Ito yung panahon na naaalala ko
Lahat ng mga nangyari kahit na kagabi lang
Nakita kita nasa gilid lang
Maingay pero ikaw ay tahimik lang
Madilim ang paligid at kumikinang ang ilaw
Habang tayong dalawa ay nagkatitigan
[Verse 2: Pio]
Gusto kitang makasama
Pero hindi yung isang gabi lang
Makatabi ka sa kama
Pero hindi isang kalabit lang
Ayoko ng madalian
Sandali lang, dahan-dahan, kailangan ingatan
Baka mahulog at biglang mabasag
Sawa na‘ko sa pagiging laruan
[Chorus: Andrea]
Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Ikaw at ako
Mabasa man tayo ay walang makakaalam
Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Kung walang masilungan
Ay laging bukas ang aking pintuan
[Verse 3: Pio]
Amoy alak ka
Nakainom ka noh?
Mukhang nakarami ka ng bote at baso
Sige, humiga ka na muna diyan
Ako nang bahala
Ako na ang mag-aasikaso
Sa’kin walang kaso
Kaso nga lang saan ba lahat ito papunta
Sa laro na ‘to na habulan, teka lang
P’ano naman kapag ako na ang nauna
[Verse 4: Pio]
Buti kung hahabulin mo‘ko
At hindi ka magsasawa
Kaibigigan lang ang tingin mo sa akin
Pero binasa mo’ko na para mong asawa
Kung ganito kasarap ayos lang
Hayaang pumatak at tumulo ang ulan
Sana naman matapos ‘to
Nang walang umuuwing luhaan
[Chorus: Andrea]
Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Ikaw at ako
Mabasa man tayo ay walang makakaalam
Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Kung walang masilungan
Ay laging bukas ang aking pintuan
Patak Ng Ulan was written by Pio Balbuena.
Patak Ng Ulan was produced by Pio Balbuena.
Pio Balbuena released Patak Ng Ulan on Thu Jun 06 2019.