Pasan by Gloc-9 (Ft. Hero (PHL))
Pasan by Gloc-9 (Ft. Hero (PHL))

Pasan

Gloc-9 & Hero (PHL)

Download "Pasan"

Pasan by Gloc-9 (Ft. Hero (PHL))

Release Date
Tue Jul 20 2021
Performed by
Gloc-9Hero (PHL)
Produced by
Gloc-9
Writed by
Gloc-9 & Hero (PHL)

Pasan Lyrics

[Chorus: Hero]
Oh naranasan mo na bang masaktan
Na kahit anong gawin hindi malimutan
Oh naranasan ko na ring masaktan
Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan
Kung pa'no ko pinasan hanggang patuloy gumaan

[Verse 1: Gloc-9]
Di kailangan na magpasikat
Ilipat mo ang dala sa kabilang balikat nang maingat
Katulad ng papel at hawak mo na panulat
Dapat sigurado nakasentro ka sa sipat
Kung maraming nakahain, magtira
Ugaliing ibahagi sa iba
Kung hindi ka nakapasok ay baka
Napuno na, di ka dapat magtaka
O kaya ay mag tanim ng galit na matalim
Bakit mo na aatim mamalagi sa dilim
Ugaliing magising ng maaga, pitasin
Meron laging mas mahusay
'Yan ang dapat lunukin
Kasi tandaan na tatanda ka
Maiiwan ang mas bata
Pero bago ko bitawan ang mikroponong ito
Sisiguraduhin kong di mo makakalimutan ang pangalan ko

[Chorus: Hero]
Oh naranasan mo na bang masaktan
Na kahit anong gawin hindi malimutan
Oh naranasan ko na ring masaktan
Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan
Kung pa'no ko pinasan hanggang patuloy gumaan

[Verse 2: Hero]
Ito ang aking kwaderno
Daming maling sulat na makikita
Muntik na akong manghina
Pero imbes burahin tinuwid ko na lang ang linya
Wala nang balikan
Walang-wala nang atrasan
Kung may dapat lingunin
Pinanggalingan ko na lang
Wala na kong dapat intindihin
Sa sasabihin ng iba tungkol sa aking nakaraan
Totoo palang maraming harang papunta sa kalayaan
Pag asa'y parang dama talo ka pag naubusan
Mas pinairal ang isipan kesa sa nararamdaman
Kailangan kong kumain para may mapatunguhan
Kahit tingin nila sakin minsan paniksik
Panakip butas sa mga tulad nilang hilig manaliksik
Mas lalong pinakita ang pambihira at totoong bagsik
Naniwala ko sa sarili hanggang sa lahat na sila ay bumilib

[Chorus: Hero]
Oh naranasan mo na bang masaktan
Na kahit anong gawin hindi malimutan
Oh naranasan ko na ring masaktan
Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan
Kung pa'no ko pinasan hanggang patuloy gumaan
Oh naranasan mo na bang masaktan
Na kahit anong gawin hindi malimutan
(Na kahit anong gawin hindi malimutan)
Oh naranasan ko na ring masaktan
Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan
Kung pa'no ko pinasan hanggang patuloy gumaan

[Outro: Gloc-9 & Hero]
Iabot mo ang respeto nang ito ay matanggap mo
(Naranasan, naranasan, naranasan)
Huwag matakot na umamin
(Naranasan)
Ituro ang tamang landasin
(Naranasan, naranasan)
Kahit na puno ang gatang
(Naranasan)
Ay iwasan mo ang yabang
(Naranasan, naranasan)
Kasi tandaan na tatanda ka
(Naranasan)
Maiiwan ang mas bata
(Naranasan, naranasan)

Pasan Q&A

Who wrote Pasan's ?

Pasan was written by Gloc-9 & Hero (PHL).

Who produced Pasan's ?

Pasan was produced by Gloc-9.

When did Gloc-9 release Pasan?

Gloc-9 released Pasan on Tue Jul 20 2021.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com