ALING BRITNEY:
Tumitilaok na naman ang mga tandang
(Tiktilaok!)
Hudyat na naman ng isang umagang walang kagana-gana…
ENSEMBLE:
Simula na naman ng isang umagang
Walang katorya-torya
Simula na naman ng isang umagang
Walang kagana-gana
SOLO FEMALE
Wala naman masyadong nagaganap sa bayang ito
(Wala naman masayado…)
Araw-araw yun na lang, paulit-ulit at pare-pareho
(Wala masyadong bago…)
MALES:
Nakakatorete, nakakabagot…
May mangyayari man di gaanong importante
ENSEMBLE:
Simula na naman ng isang umaga
Simula na naman ng isang umaga
MALES
Pag-ikot ng mundo dito’y simbagal ng pagong
(Ang kupad-kupad!)
Kapalaran ay naka-angkas sa isang karitelang walang gulong
ALL:
Ang bayan na ito ay parang lamay na kay haaa---ba!
Pero kahit sa bayang tahimik may usap-usapan
Laman ng mga tsismis, pulutan sa inuman
Mula sa may kanto hanggang sa basketbolan
Ito ang bulung-bulungan!
SOLO 1:
Tulad ng kalabaw sa kabilang barangay
Na ipinanganak na may tatlong sungay
SOLO 2:
Ang baliw sa likod ng simbahan na laging pinagtatawanan
SOLO 3:
Ang magkasintahan sa kanto nung isang linggo’y nagtanan
ALL:
Pero ang paboritong pag-usapan ng lahat
Ay ang PARLORISTA NG BAYAN!
Parlorista Ng Bayan, Pt. 1 was written by Vincent A. De Jesus.
Vincent A. De Jesus released Parlorista Ng Bayan, Pt. 1 on Wed Jul 29 2020.