Giliw ko, dinggin mo
Ang hibik ng puso
Ang bawat daing, ay dalisay na pagsuyo
Masdan mo ngayon, nagpapaka-amo
Paraluman ng aking buhay
Nais kong mapakinggan
Na sabihin mo lamang
Na ako ay iyong mahal
Ang damdamin ng aking puso
Ay daglit mapaparam
Kahit na mamatay
Kung sa 'yong kandungan
Ay ligaya ko rin, hirang
Kahit na mamatay
Kung sa 'yong kandungan
Ay ligaya ko rin, hirang