[Verse 1]
Araw-araw kitang iniisip
'Di ka ba nadadapa?
Lumalim na ang kalumata sa'king mga mata
'Di mo ba nahahalata?
[Refrain]
Oh, kapag ika'y nagdududa
Ang aking puso'y nalulula
Sa rami ng iyong iniisip
Na hindi mapantayan
Ayos lang 'yan, nandito lang ako
[Pre-Chorus]
At kahit ano pa ang nadarama
Malabong ika'y pagsawaan
At kahit saan pa mapunta mananatili ako sa'yo
[Chorus]
Oh, aking buwan na hindi mandidilim
Magliliwanag sa lahat ng panahon
Pangako ko aling ali daka lakwan, aking buwan
Kaluguran daka
[Verse 2]
T'wing gabi ikaw ang panaginip
Lubos ko naman na inaamin
Marahil hindi na rin alam aking magagawa
Kung ikaw man ay mawala
[Refrain]
Oh, kapag ako ay nagdududa
Alaala lang rin na namihasa
Sa dami ng aking naging sablay
Sa mga taong hindi naging tunay (Ayos lang 'yan)
Nandito ka na naman
[Pre-Chorus]
At kahit ano pa ang nadarama
Malabong ika'y pagsawaan
At kahit saan pa mapunta mananatili ako sa'yo
[Chorus]
Oh, aking buwan na hindi mandidilim
Magliliwanag sa lahat ng panahon
Pangako ko aling ali daka lakwan, aking buwan
Kaluguran daka
[Bridge]
Hindi ka iiwanan
Ako ang iyong tahanan
Oh, tahan na, kaya tumahan na
Sa dulo man ng kalawakan
Palagi mong tatandaan
Oh, aking buwan, hindi ka iiwan
Hindi ka iiwanan
Ako ang iyong tahanan
Oh, tahan na, kaya tumahan na
Sa dulo man ng kalawakan
Palagi mong tatandaan
Oh, aking buwan, hindi ka iiwan
Oh, aking buwan, ikaw lang ang pagmamasdan
[Outro]
Sa lahat ng taong pinili
Sa'yo lang ako hindi nagsisi
Sa lahat ng kanilang paglisan
Ika'y nanatili sa aking mundo
Para Sa Buwan was written by Maki (PHL).
Para Sa Buwan was produced by Subzylla.
Maki (PHL) released Para Sa Buwan on Fri May 13 2022.