[Verse 1]
Ba't 'di ko na makita ang bukas
Ba't tila kulay ay kumupas
Pangarap ko'y saan na napunta?
Mararating ko pa kaya?
[Verse 2]
'Di ko man ito maintindihan
Alam kong luha din ay tatahan
Hindi hihintong manalangin
Makakamit ko rin
Makakamit ko rin
[Chorus]
Ang mga pangarap sana'y mapasakin
Ang liwanag ng buhay, makikita ko rin
Basta't tapat ang puso ang sinasabi totoo
Wala nang hahadlang, lilinaw din ang bukas
Para sa akin
[Bridge]
Hindi ko man makita
Ang landas ng aking pangarap
Tuloy-tuloy lang sa paghakbang
Akin din itong mahahanap
[Chorus]
Ang mga pangarap sana'y mapasakin
Ang liwanag ng buhay, makikita ko rin
Basta't tapat ang puso ang sinasabi totoo
[Outro]
Wala ng hahadlang sa atin, pangarap ay mararating
Ko rin
Pangarap was written by Simon Tan.
Maricris Garcia released Pangarap on Fri Mar 03 2017.