[Verse 1]
'Di na maitago ng iyong mga tingin
Ilang daang tanong gusto mong ibato sa akin
Ngunit uunahan na kita, hindi kita malilimutan na
'Yan ang bagay na hinding-hindi magagawa
[Pre-Chorus]
At kahit pa ipilit ko, sundin sarili kong gusto
Lahat ng dadaan ko'y bumabalik sa'yo
[Chorus]
Sa aking isip ka nananatili
At kahit na ipilit 'di ka na maalis
Hindi nagbabago sigaw ng aking puso
Hanggang ngayo'y walang iba kundi pangalan mo
Pangalan mo, yeah, yeah (Oh, yeah)
[Verse 2]
Magaan man ito kung sabihin
Hindi mo alam kung pa'no kang nakaukit sa'king dibdib
Tunog ng 'yong tawa at ngiti mong nakakahawa
Sana ako na lang at 'di iba
[Chorus]
Sa aking isip ka nananatili
At kahit na ipilit 'di ka na maalis
Hindi nagbabago sigaw ng aking puso
Hanggang ngayo'y walang iba kundi pangalan mo
[Bridge]
Bawat pikit ay andiyan ka
Ihip ng hangi'y 'yong tawa
Pa'no ba'ng makalimutan ka?
Sa yakap mo'y 'di na makawala
Sa lahat ng tao hinahanap ka
Bawat tagpo, unang naiisip ka
Ibigin ka, aking tadhana
Ito'y walang hanggan
[Chorus]
Sa aking isip ka nananatili (Oh, oh)
At kahit na ipilit 'di ka na maalis
Hindi nagbabago sigaw ng aking puso (Oh, oh)
Hanggang ngayo'y walang iba kundi pangalan mo
[Outro]
Sa aking isip ka nananatili (Oh)
At kahit na ipilit 'di ka na maalis
(Pa'no ba'ng makalimutan ka? Sa yakap mo'y 'di na makawala)
Hindi nagbabago sigaw ng aking puso
(Sa lahat ng tao hinahanap ka, bawat tagpo, unang naiisip ka)
Hanggang ngayo'y walang iba kundi pangalan mo (Ibigin ka, aking tadhana)
pangalan was written by jikamarie & Ken Ponce.
pangalan was produced by Ken Ponce.
jikamarie released pangalan on Fri Nov 29 2024.