[Verse 1]
Wala akong alinlangan
Wala akong pagsisisihan
Hindi mo ba nalalaman?
Handa kitang ipaglaban
Kahit kailan saan
[Verse 2]
Ngayon at sa kinabukasan
Ikaw lang ang paglalaanan
Pag-ibig na 'di napipilitan
Hindi kita iiwan magpakailanpaman
[Pre-Chorus]
Hanggang sa oras na tayo'y matanda na
At kumupas na ang iyong ganda
Ako'y hinding-hindi magbabago
'Yan ang totoo
[Chorus]
Sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya
Ako'y iyong kasama hanggang may hininga
Sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya
Ako'y iyong kasama hanggang may hininga
[Verse 3]
'Di ako magtatanong kung bakit
Mamahalin kang paulit-ulit
Taglamig man o tag-init
Walang bakit, walang ngunit
Wala kang kapalit
[Instrumental Break]
[Chorus]
Sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya
Ako'y iyong kasama hanggang may hininga
Sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya
Ako'y iyong kasama hanggang may hininga
Panambitan was written by Chickoy Pura.
The-jerks released Panambitan on Fri Nov 07 1997.