[Verse 1]
Kailan nga?
Huli mong sinabi sa aki’y nagpakaba
Tibok ng puso ko’y kumakaripas na
Nang binanggit mong tayo’y may pag-asa
Kahapon lang sambit mo pa
[Pre-Chorus 1]
May-ari ng puso ko’y kilala mo
Hayaang tadhana ang magtalaga nito
Maari bang damdamin ko’y yakapin mo
Hanggang pagmulat ng mata
[Chorus]
Panaginip lang pala
Pag-ibig kong umaasa
Kahit sa isang awit akin ka ng saglit
Sandaling ‘di ‘pagpapalit kahit isa lang panaginip
[Verse 2]
Minsan nga
Sa panahong bigo’y talunan ay nandiyan ka
Pinapawi ang luha’t gumagaan bigla
Pasaning buha’t para bang naglaho na
Lalo na nang binulong mo pa
[Pre-Chorus 2]
Problema’y darating at lilipas din
Kabigua’y hudyat na ng simulain
Hawak kamay nating harapin
Hanggang pagmulat ng mata
[Chorus]
Panaginip lang pala
Pag-ibig kong umaasa
Kahit sa isang awit akin ka ng saglit
Sandaling ‘di ‘pagpapalit kahit…
Panaginip lang pala
Pag-ibig kong umaasa
Kahit sa isang awit akin ka ng saglit
Sandaling ‘di ‘pagpapalit kahit isa lang panaginip
[Outro]
Isa lang panaginip
Oh… oh…
Wooh oh… oh…
Oh… oh…
Wooh oh… oh…
Oh… oh…
Wooh oh… oh…
Wooh
Panaginip…
Panaginip was written by Bambi Santos.
Panaginip was produced by GMA Playlist.
Mikee-quintos released Panaginip on Mon Nov 20 2017.