[Verse 1: Ron Henley]
'Di sa pagdadrama
Mas malungkot pa sa bagsak ng tunog na 'to ang aking nadarama
Ako ay lumuluha patago habang nakatayo
Pinagmamasdan ka papalayo
Sa bawat pagsubok, alam kong tayo ay lalago
At sa alaala ko habambuhay naka-tattoo
Minsan may araw na hindi pinapalaro ni Jawo
Kahit bano, sinamahan mo 'kong maupo sa may bangko
Basa man ang lansangan, tuyo man ang ulam
Tayo'y nababalot sa kumot at unan
At tanging sa platito lang ang ating tagpuan
Sa mundo kung sa'n pinagkasundo ang asukal at suman
Umapaw ng larawan at tawanan magdamagan
Magkahawak ng kamay, inaabot ang kalawakan
Masyado tayong nagsaya
Naniningil ang kalungkutan at ang pintuan ay tuluyan na ngang nagsara
[Hook: Jameson & Ron Henley]
Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
Kung minsan tatlong linggo lang
Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
Halos laging tag-ulan
Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
Halos laging tag-ulan 'pag nagpapaalam
Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
Sa paliparan
[Verse 2: Ron Henley]
Nasaktan lang kita, habang wala ka
Ako'y nasa kama ng iba, 'di ko talaga kayang mag-isa
Gantihan hanggang sa lumala, nagkasakitan
Praningan dahil puro kasinungalingan
'Di ko na kailangang salagin, ako ang salarin
Kaya minsan nahihiyang harapin ang aming salamin
Dahil nagawa ko 'to sa babaeng nagmahal nang wagas sa akin
Nagnais lang namang maibalik ang tingkad ng dating
Kulay ng pag-iibigan na parang bahaghari
Kung sa'n panay bulaklak at masagana 'yung ani
Pinaghalong lungkot at panghihinayang
Ilang taon ding iginapang, nawala lang, tuluyan lang nasayang
Baon mo ang ating plano pagsakay ng eroplano
Kaso sabay sa 'yong paglipad, agad itong naglaho
Bago ka umalis at bago rin ito matapos
Nais ko lang munang magpaalam sa'yo nang maayos, uh!
[Hook: Jameson & Ron Henley]
Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
Kung minsan tatlong linggo lang
Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
Halos laging tag-ulan
Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
Halos laging tag-ulan 'pag nagpapaalam
Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
Sa paliparan
[Verse 3: Ron Henley]
Tapos na nga ba tayo? O baka naman hindi pa?
Bakit mali pa rin ng isa't isa ang ating nakikita?
Nababawasan na nga ba ang paglalambingan natin?
Para akong lalagnatin sa t'wing nanlalamig ka sa' kin
Marahil nagawa ko lang 'to
Dahil may mga nagawa ka rin sa akin na nasaktan ako
Kaya no'ng nalulungkot ka, ako 'yung hinahanap mo
Ngunit mas pinakinggan ko 'yung tawag ng laman kaysa sa tawag mo
'Di naman kailangang magka-ilangan dahil lamang nagkasigawaan
Kung ika'y nahihirapan, ang bigat gumagaan 'pag binibitawan
Parang tubig sa bakal, hinangin tapos kinalawang
Nakalusot ka sa lansangang akala ko'y walang kaliwaan
Kaya salamat na lang sa pabaong alaala
May napulot akong aral sa ating pagsasama
Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon
Ay naitawid naman natin sa butas ng karayum
[Hook: Jameson & Ron Henley]
Ang tag-init umabot na ng anim na buwan
Kung minsan tatlong linggo lang
Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian
Halos laging tag-ulan
Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan
Halos laging tag-ulan 'pag nagpapaalam
Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan
Sa paliparan
[Outro: Ron Henley]
Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan
Palakad-lakad mag-isa sa may hintayan
Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan
Ang dami pa nating sinasabi, anim na letra lang ang salitang "paalam"
Paliparan was written by Ron Henley.
Paliparan was produced by Klumcee.
Ron Henley released Paliparan on Fri Aug 09 2019.