[Intro: Jolianne]
Mm-mm, hey
Mm
[Verse 1: Jolianne]
Kapit nang kapit sa tala (Sa tala)
Wala ring mahawakan sa mundo, mm
Sadyang maraming nakaharang sa ating paligid (Hah-hah-hah, hey)
Hindi mawari kung sino ang tunay na umiibig, mm
[Pre-Chorus: Jolianne]
Kung sumilip ka lang sa'king nararamdaman
Alamin ang lihim na hindi mo pa alam
Aaminin ko naman
Sa halik idadaan
Kanlungan ko ay ang 'yong kamay
[Chorus: Jolianne]
Palapit sa 'yong yakap
Palayo sa mundo
Tumatahimik ang isip
Tumatahan sa'yo
At kung 'di pa tama
Sa mata ng tadhana ay
Panalangin ang tangi kong alay
[Verse 2: Arthur Nery, Jolianne, Arthur Nery & Jolianne]
Mm, oh, mm
Bumabagal ang tao at paligid 'pag nadaan
Ka sa'king isip, pa'no pa kung sa harapan
Dati hindi ko maamin na kailangan
Nang ating pag-ibig ng konting paghahabol-habulan
Luhaan 'pag umiibig at nakipagtaguan
Ngunit kaya
'Pag ikaw lang kasama
Salita mong paikot-ikot, ngayo'y ipo-ipo na (Hindi na)
Lumilihis na naman 'pag nagkita-kita na (Hindi nga)
Hindi nga tamang pabulong kong sabihin
Bigkas nang nararamdaman (Nararamdaman)
[Pre-Chorus: Arthur Nery, Arthur Nery & Jolianne]
Oh, kung sumilip ka lang sa'king nararamdaman (Sumisilip matagal na)
Alamin ang lihim na hindi mo pa alam (Malalaman ko sa mata)
Aaminin ko naman
Sa halik idadaan
Kanlungan ko ay ang 'yong kamay (Kamay)
[Chorus: Arthur Nery & Jolianne, Jolianne, Arthur Nery]
Palapit sa 'yong yakap
Palayo sa mundo
Tumatahimik ang isip
Tumatahan sa'yo
At kung 'di pa tama
Sa mata ng tadhana ay (Mm)
Panalangin ang tangi kong alay
[Chorus: Arthur Nery, Jolianne, Arthur Nery & Jolianne]
Palapit sa 'yong yakap
Palayo sa mundo (Mm)
Tumatahimik ang isip
Tumatahan sa'yo
At kung 'di pa tama (Tama)
Sa mata ng tadhana ay
Panalangin ang tangi kong alay
[Outro: Arthur Nery, Jolianne, Arthur Nery & Jolianne]
Alay, yeah
Ah, yeah, mm
Panalangin ang tangi kong alay
Palayo Sa Mundo was written by Jolianne & Arthur Nery & Luke April.
Palayo Sa Mundo was produced by Luke April.
Jolianne released Palayo Sa Mundo on Fri Oct 10 2025.