[Chorus: Klumcee]
Oh, 'di ba't kahapon lang, ikaw ay nagpaalam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang?
Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang, oh?
[Verse 1: Shanti]
Umasa kahit na malayo pa 'ko sa pamantayan mo
Ganito pakiramdam nung dumagdag ka pa sa pangarap ko
Matagal nating iningatan 'to habang patago pa kitang maranasan
Nung ikaw na kahinaan ko, tsaka mo 'ko natutunan iwasan
And'yan agad sa isang tawag mo, kaya parang madali sa'yo bitawan
Mga alaala natin na wala lang sa'yo, palibhasa 'di mo kailangan, A–
–yoko namang makipaglaban para sa kadahilanang nand'yan siya
Pwede pa din naman na 'di niya malaman, ah, basta 'wag mo 'ko iwanan, pwede ba?
[Pre-Chorus: Klumcee]
Isip at ang puso, ba't 'di pa palayain?
Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin
Paano, saan, at kailan ka yayakapin?
Sa pag-ikot ng mundo ko sa'yo palagi
[Chorus: Klumcee]
Oh, 'di ba't kahapon lang, ikaw ay nagpaalam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang?
Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang, oh?
[Verse 2: Shanti]
Siguro nga, 'di ako 'yung tipo ng kaya gawin lahat para sa pamantayan mo
Pero sa kabila ng mga binitawan mong pangako, 'di ito yung inasahan ko
Tawanan bago mo 'ko pangilagan
O isipin mo sana ano tayo dati sa kama niyo kahit damo at pamasahe lang nasa pitaka ko
Nakakarating tayong alapaap kada tawa mo
Pula mata, kahit 'di man nagkaiyakan, uh
Kahit wala na 'kong panahon para umasa pa
Balewala kung mas madalas naaalala ka
Sa mga sabi-sabing nakarating sa'yo
Sana kalimutan mo na parang ginawa mo sa'ting dalawa
Oo, madami d'yan pero tumatak ka sa'kin
Nung pati sa kaluluwa mo 'ko nahumaling
Nung nasabing dapat kita palayain, ipinangako mo na, isinulat mo pa sa hangin
[Pre-Chorus: Klumcee]
Isip at ang puso, ba't di pa palayain?
Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin
Paano, saan, at kailan ka yayakapin?
Sa pag-ikot ng mundo ko sa'yo palagi
[Chorus: Klumcee]
Oh, 'di ba't kahapon lang, ikaw ay nagpaalam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang?
Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang, oh?
Palagi was written by Shanti Dope.
Palagi was produced by Klumcee.
Shanti Dope released Palagi on Fri Oct 27 2023.