[Verse 1]
Ika'y aking anaki
Nagkalabuan sa pagkinang ng dagat at kislap ng buwan
Bawat isa'y magkakalahati
Nasa atin na ang marahuyong balse ng gabi
[Pre-Chorus]
Siguro balewala ang lahat ng sikretong binulong mo sa akin sa gitna ng dilim
Siguro mas nais mo ang liwanag ng nakakasunog niyang piling
[Chorus]
Pakiusap na lang walang manghihinayang
Dahil siya ang 'yong pinili
Sa'king panaginip ikaw ang nasa isip
Gusto ko nang magising
[Verse 2]
Ba't 'di mo nabanggit? (Nabanggit)
Mahal mo na ang siya na dumarating at aalis nang bigla
'Di na lalayo sa bukang-liwayway (Liwayway)
Na 'di marunong magpaalam at agad mawawalay
[Pre-Chorus]
Tayo ang tanging tahanan ngunit bakit mo napag-isipang magbakasakali?
Kasalungat ba ang magbubuo at maghihilom ng pusong may kahati?
[Chorus]
Pakiusap na lang walang manghihinayang
Dahil siya ang 'yong pinili
Sa'king panaginip ikaw ang nasa isip
Gusto ko nang magising
[Bridge]
Bakit parang paulit-ulit lang na kay dali-dali kong palitan
Kung kelan ko napag-isipang magpakalakas-loob ay bigla lang bibitawan
O, sinta, masisisi ba kita kung mas mahal mo ang siyang 'di mo kilala?
O, Abad, masisisi ba kita kung 'yon din ang aking ginagawa?
[Outro]
Pakiusap mo na ako ang nararapat
Ngunit 'di mo napansin ang ating tadhana
'Di mo masisisi ang nais kong pag-alis
Na para bang pamahiin
Pakiusap was written by Cesca.
Pakiusap was produced by Rox Santos.