[Verse 1]
Minsan na rin naman akong nalito
Nagkamali ako ng daan hirap lumiko
Nakauwi na kung saan dapat ako narito
Ngayon ko lang natagpuan saya sa sarili ko
Sa liriko na sinusulat ko ngayon
Sana ay matandaan pagdating ng panahon
Dami ng napagdaanan, pagkakamali ko
Diniretso ang daan 'di na 'ko nagtanong, uhh
[Interlude - Spoken]
Sabi nila, hindi daw ako uusad
Dami ko daw kasalanan
Napatungan ng napatungan
Pero ito ako ngayon kayo kausap
[Chorus]
Pagkakamali ay 'di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag-isipan
Hindi man madalian ay ayos lang
Pagkakamali ay 'di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag-isipan
Hindi man madalian ay ayos lang
[Verse 2]
Napakadaming pwedeng tamang gagawin
Pero mas pinili mo na tama ang 'yong mahalin
Lipad sa hangin nakatingin sa mga ulap at bituin
Tamang praning nanalamin
Hindi naman kasi tama ang puro daing, aba'y galing
Bago ko maitatama dapat tanggap mo mali mo
'Di pa naman huli 'yun sa tingin ko
Kasi ako parang kayo tao lang din nakakatayo
Hindi naman ibig sabihin kung nagkamali mabibigo
[Interlude - Spoken]
Kaya kung nalilito ka pumikit ka lang
Isipin mo lang lahat ng alaala sa'yong nakaraan
Lalakasan mo lang naman pakiramdam
Para matuklasan ang tamang daan
[Chorus]
Pagkakamali ay 'di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag-isipan
Hindi man madalian ay ayos lang
Pagkakamali ay 'di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag-isipan
Hindi man madalian ay ayos lang
[Verse 3]
Pagdating ng araw, lumipas ang buwan
Ang 'yong kamalian lalong nadagdagan
Ang tubig aapaw 'pag ang baso may laman
Napupuno rin tayo dapat nating tandaan
Kung may isang dahilan na pumipigil sa'yo
May isang daang rason pa rin para gawin mo
Kung may isang dahilan na pumipigil sa'yo
May isang daang rason pa rin para gawin mo
[Chorus]
Pagkakamali ay 'di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag-isipan
Hindi man madalian ay ayos lang
Pagkakamali ay 'di pa huli
Para itama at hindi na kailangan pag-isipan
Hindi man madalian ay ayos lang
[Outro]
'Wag magmadali, 'wag magmadali ('Wag)
Baka mamali, baka mamali (Baka)
'Pag nagkamali ay 'di pa huli
Itama 'di kailangan pag-isipan
'Wag magmadali, 'wag magmadali ('Wag)
Baka mamali, baka mamali (Baka)
'Pag nagkamali ay 'di pa huli
Itama 'di kailangan pag-isipan
Pagkakamali (Live Version) was written by Honcho.
Pagkakamali (Live Version) was produced by Matthew May.
Honcho released Pagkakamali (Live Version) on Sun Apr 04 2021.