[Verse 1]
Paano ba ang magpaalam sa kahapon
Sa tagal ng panahon kang minahal
Paano ba malilimot ang pag-ibig
Na hanggang ngayo'y tangan-tangan ko pa
[Verse 2]
Iniwan mo'y matatamis na alaala
'Yun na lamang ang tanging natitira
Naglalaban ang puso at isipan
Kung dapat kang kalimutan
O ibigin magpakailanman?
[Chorus]
Mayro'n pa bang pag-asa
Magkabalikan pa
May bukas pa na naghihintay
O dapat lamang ang limutin ka
[Verse 3]
Paano ba ang magpaalam sa kahapon
Paano bang paglimot sa iyo
Maging sa Diyos humihingi ng tulong
Na pawiin ang sugat ng puso ko
[Verse 4]
Paano ba ang magpaalam sa kahapon
Kung maya't maya'y nagpapakita ka
Nalilito at 'di ko na malaman
Kung dapat kang kalimutan
O ibigin magpakailanman?
[Chorus]
Mayro'n pa bang pag-asa
Magkabalikan pa
May bukas pa na naghihintay
O dapat lamang ang lilimutin ka
[Verse 3]
Paano ba ang magpaalam sa kahapon
Paano bang paglimot sa iyo
Maging sa Diyos humihingi ng tulong
Na pawiin ang sugat ng puso ko
[Verse 4]
Paano ba ang magpaalam sa kahapon
Kung maya't maya'y nagpapakita ka
Nalilito at 'di ko na malaman
Kung dapat kang kalimutan
O ibigin magpakailanman
Paano Ba Ang Magpaalam Sa Kahapon was written by Cecille Azarcon.
Chiqui Pineda released Paano Ba Ang Magpaalam Sa Kahapon on Tue Jul 16 1996.