[Verse 1]
Minsan ang buhay samot-sari ang kulay
Ngunit minsan lumalamlam 'pag dumidilim ang daan
Hindi mo mabuksan pinto sa kinabukasan
Bulong ng alinlangan ay baka wala kang dadatnan
[Pre-Chorus]
Lumingon ka lang sa kawalan
At ako'y 'yong masusumpungan
Mula paa, tuhod, balikat, at ulo
Ilalaan sa 'yo
[Chorus]
Paa, tatakbuhin kita
Tuhod, para sa 'yo, sa langit luluhod
Ang balikat ko'y narito
Kung kailangan ay sandalan mo
Tandaan na sa ulo palagi ka nitong laman
[Verse 2]
Ang kinakatakutang multo ng nakaraan ay
Walang kapangyarihan laban sa pag-ibig na satin ay gumagabay
Kaya't humakbang nang muli kahit na paunti-unti
Ika'y aalalayan, ilaw sa'yong lalakaran, oh, oh, oh
[Pre-Chorus]
Lumingon ka lang sa kawalan
At ako'y 'yong masusumpungan
Mula paa, tuhod, balikat, at ulo
Ilalaan sa 'yo
[Chorus]
Paa, tatakbuhin kita
Tuhod, para sa 'yo, sa langit luluhod
Ang balikat ko'y narito
Kung kailangan ay sandalan mo
Tandaan na sa ulo palagi ka nitong laman
[Bridge]
Sasabayan, sasamahan
Hanggang ang puso'y mabuksan
Sasabayan, sasamahan
Hanggang ang puso'y mabuksan
[Chorus]
Oh, paa, tatakbuhin kita
Tuhod, para sa 'yo, sa langit luluhod
Ang balikat ko'y narito
Kung kailangan ay sandalan mo
Tandaan na sa ulo palagi ka nitong laman
Ah-ah, ah-ah (Paa, tatakbuhin kita)
Ah-ah, ah-ah (Tuhod, para sa 'yo, sa langit luluhod)
Ah-ah, ah-ah (Ang balikat ko'y narito)
Ah-ah, ah-ah (Kung kailangan ay sandalan mo)
[Outro]
Dito sa puso ko, palaging may puwang
Paa Tuhod Balikat Ulo was written by Rinz Ruiz.
Rinz Ruiz released Paa Tuhod Balikat Ulo on Fri Oct 18 2019.