Outthrow! by Shanti Dope (Ft. BaryoBerde, Droppout, OJ Rivers, OWFUCK & Rjay Ty)
Outthrow! by Shanti Dope (Ft. BaryoBerde, Droppout, OJ Rivers, OWFUCK & Rjay Ty)

Outthrow!

Shanti Dope & Rjay Ty & OWFUCK & Droppout * Track #9 On Shanti Dope

Download "Outthrow!"

Outthrow! by Shanti Dope (Ft. BaryoBerde, Droppout, OJ Rivers, OWFUCK & Rjay Ty)

Release Date
Sun Oct 01 2017
Performed by
Shanti DopeRjay Ty & OWFUCK & Droppout
Produced by
Klumcee
Writed by
Droppout & Paul Cassimir & Al James & Migo Señires & Marc Mamuric & Rjay Ty & Shanti Dope & Lexus (PHL)

Outthrow! Lyrics

[Intro]
Hoo! Grabe!
'Eto na yun! Ang hinihintay namin! Hoo!
Grabe na 'to! Waahh
Iba! Hoo!
Nakakasabog ng utak 'to!

[Verse 1: Shanti Dope]
Ako 'yung uwak sa bubong, inakalang kalapati ng mga may panuwag, naurong
'Di nakita ng inaasahang na makita kung ano bang kayang ibigay ng ugat sa bungong
Sa puyat nalulong para sa mga buhat pa nung una utak ko lutong
Kahit na pareho tayo na mulat sa gutom, hindi lahat madunong sa atin na ngumuya't lumulon
Itinuring na komedya, mga maaksyon
Ko na kalagayan iniinda nila na kalimitan nakilala ko bilang ambon
Maglalambing pa din ang tadhana, batukan man ako ng kapalaran
Darating ang panahong mapupuwing si Gaara sa mga pasabog ko na tangan, blah!

[Verse 2: Droppout]
Lumang medyo bago
Sa panahong pluma na'y naglaho na
Mabango ang mabaho, pangit ang maganda
Droga pa rin turing nila sa halamang ganja
'Langya, hala, tuloy sa pagsagwan
Basain utak, piyestang San Juan
Sa beat na ito na binabagsakan
Na gawa ni tito Klumcee ng balagtasan

[Verse 3: Marc Mamuric]
Row four, mula sa baryo
Ihahatid ko ang mga tula na bago
Kasama ang mga makatang may tirang matindi pa sa sipa ng pulang kabayo
Hayop sa lakas mapapalayo't mapapaatras
Sa lahat ng takot, 'wag na lang lumabas, malakas ang bayo baka ka makalas
Nagsama-sama ang makata panibagong kabanata
May dalang pasabog na mas masahol pa sa granada
Sindi lang para matindi mga talata, simple lang pero imposible mo magaya
Ang dami nanghihila pababa, siksikan mga siga't talangka sa ibaba
Ayaw pa tigilan na manghatak, 'wag niyo kami ipahamak, wala rin kami diyan mapapala

[Verse 4: Rjay Ty]
Ang lakas ng bayo, ramdam na ramdam, sige lang, 'tol at sakyan mo na lang
Pana-panahon ang nagtipon ngayon parang ipuipo na pinakawalan
Makigulo, makisaya, makibahagi, pangkalahatan
'Wag manggulo, bawal ganyan kung 'di ka sanay makipagbanatan
Batang Pasay nakitambay, nakibagay, ako ang inyong lingkod
'Di pala inom, taga-tagay, 'di pala away pero bawat buga ay nanununtok
Taas ang mga kamay dapat ay sabay-sabay na parang bang may nakatutok
Mangangamoy apoy ka, boy, kapag tumapat ka sa buga kong nagbabagang usok, usok
Simula't sapul pa lamang, lamang, halata na merong tamang, tamang
Timpla bago pa sumalang, salang, enerhiyang 'di maharang, harang
Tatamaan ay gagapang, gapang, 'wag lang magtapang-tapangan
Laban kung makikipagsabayan para sa pag-ibig at kapayapaan, sama

[Verse 4: Migo Senires]
Isang karangalang maimbitahan ng mga pinagpala, uh, mahanay sa mga tala, uh
Masubukan aking baga, mga bala ko na baon na (Na)
Sa paparating na hamon tuluyang makipagtagisan ng mga talata, uh
Sabay sa bagong alon ng 'yung tao ni Poseidon, hindi mo malulunod
Baon ang karanasan, mabigat man ang pasan ay masaya ako sa aking pagkahubog
Sumugod ka man sa aking harapan ay hindi kita aatrasan
Hindi ito payabangan, 'di ito palakasan, hindi ka makakalamang gamit negatibong paraan
Mentalidad ng isang dayo, kasama ng baryo ang mga taga-giba ng entablado
Hatid namin ay kalbaryo, 'wag kang titira sa likod baka masipa ng kabayo

[Verse 5: Al James]
Sagad na sagad, sige lang, sindihan mo pa 'yan, sige lang, panindigan mo lang
Nalimutan ko na 'ata kung papa'no lumakad kasi kanina pa kami sa alapaap
At lumilipad gawa ng Indica, 'di ko masisi kung ba't 'di ko mahindian
Papa'no pa 'ko tatama kung lagi na 'kong may tama, pare, wala sa pana nasa Indi 'yan

[Verse 6: Lexus]
OWFUCK pati Shanti guguhit sa mga pussy parang nabasa na panty
Sobrang lowkey, galaw, 'di makita parang mata lang ni Randy
Sobrang sweet ng chick mo tawag sa'kin, nanny, bawat oras para sa'kin money
Kamao ang mga letra mga tenga niyo naman panga
Kung mali ang propesiya, sino sa inyong magsasalba?
'Di ka ba nagtataka? Mali mga tinuturo niya
Kasagutan sa katanungan, karanasan ang may dala-dala

[Verse 7: Paul Cassimir]
Paul Cassimir, OWFUCK, Shanti Dope, yeah, 'di mo pwede na maliitin
Bago manghusga, pwede tumingin ka muna at manalamin
Anino sa dilim kung gustong alamin, kulay bughaw ng langit ay magdidilim
Sa'ming pagdating, walang babanggain, hatakan lang pataas at mangilan sisibakin
Mga letra ko at bara parang tren na siksikan sa 'Pinas
Bawal dito ang hilaw, 'di hinog na pinilit sa pitas
727 Clique, man, I don't give a shit, sensya patayang beat gutom nananabik
'Lang pake sa mga weak na kokontra, hindi 'yan tatama kasi over namin eh

[Verse 8: A$tro]
Laslas ang pulso nagkukumahog, hilahan pababa, unahan sa taas
Patayan ng rima iba't ibang tugma, gupitan ng palong wala nang tatakas
Kalawakan hangganan, sumibol ang ani, nilangaw kalaban tawaging Magandi
Bawal sumabit, dala-dala ang karit, pugutan ng ulo, haharang kay Shanti

[Verse 9: OJ River]
Bata sa daanan na lumipat ng Makati
Ako 'yung batang nakatambay sa labas parati
Tinutubos ng nanay kasi madalas sa away
Maangas maglakad, bata laging nakawaway
'Di na 'ko nagbago kasi d'yan ako nasanay
Palaging nag-iingat baka mauwi sa lamay
Lumiit ang mundo ko at napuna na ng kaba
Hindi lumalabas ng kanto na walang dala
Ano may tanong ka pa? Ngayon alam mo na
'Di tayo pareho, tayo ay magkaiba
Kaya 'wag mo 'kong husgahan kung ang ugali'y ganito
'Di ko naman ginusto ang buhay na magulo
At hindi mo nakita, nakita ng mata ko
'Yoko na ng ganito ang sakit na sa ulo ko
Sa hirap ng buhay nagpasan na ng damo
Sana 'wag umabot sa pagtulak ng bato, oh

Outthrow! Q&A

Who wrote Outthrow!'s ?

Outthrow! was written by Droppout & Paul Cassimir & Al James & Migo Señires & Marc Mamuric & Rjay Ty & Shanti Dope & Lexus (PHL).

Who produced Outthrow!'s ?

Outthrow! was produced by Klumcee.

When did Shanti Dope release Outthrow!?

Shanti Dope released Outthrow! on Sun Oct 01 2017.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com