[Verse 1]
Nandito lang ako, laging nasa iyo
Ikaw lang, mahal, ang nasa tabi ko
Sandal ka lang muna sandali
Dito ka lang muna hanggang gabi
[Verse 2]
Nandito rin ako, 'di lalayo sa 'yo
Nais kang mahagkan, o mahal ko
Sige, dito muna magkatabi
Pasandal na muna buong gabi
[Chorus]
Isasayaw kita nang dahan-dahan
Kamay ng orasan, 'di mapigilan
Pagmamahalan na hanggang hangganan
Di bibitawan
Ikaw ang tahanan
[Verse 3]
Walang magbabago, pag-ibig ko sa 'yo
Makakasama mo ako hanggang dulo
Palaging ikaw ang mamahalin
Mawalan man ng oras, ikaw pa rin
[Verse 4]
Hindi magbabago ang pagtingin sa 'yo
Tanging ikaw lang ang pipiliin ko
Hindi magsasawa na mahalin
Natitirang oras, sa 'yo pa rin
[Chorus]
Isasayaw kita nang dahan-dahan
Kamay ng orasan, 'di mapigilan
Pagmamahalan na hanggang hangganan
Di bibitawan
Ikaw ang tahanan
[Bridge]
Isasayaw kita
Isasayaw kita
Isasayaw kita nang dahan-dahan
Isasayaw kita
Isasayaw kita
Isasayaw kita hanggang hangganan
'Di bibitawan
Ikaw ang tahanan
[Outro]
Nandito lang ako lagi sa tabi mo
Kahit wala ka na, o mahal ko
Hindi pa naman ito'ng huli
Paalam na muna sa 'yong tabi
Oras was written by Faith Angelyn Garcia & Jake Lorenz Nicolas & John Ace Lorenzo Gatuz.
Oras was produced by Shadiel Chan.