Oras Lyrics

[Verse 1]
Sa ating isang taon
Natupad lahat ng pinangarap ko
Ang isang buwan, biglang naglalaho
Kapag kasama ka, oh, ang bilis ng panahon

[Pre-Chorus]
At kung maaari lang
Pumunta sa nakaraan
Iiwasan ko, na ikaw ay masaktan

[Chorus]
Araw-araw, pinagsisisihan ko
Na hinayaan, lamang na magkagan'to
Kung alam ko lang, ito na ang ating hangganan
Susulitin ko ang bawat oras, na kasama ka

[Verse 2]
Isang minuto, tayo ay nagbago
Nung inamin ko na nagkamali ako
Habang-buhay ang ating pinangako
Ang walang hanggan, bigla na lamang huminto

[Pre-Chorus]
At kung papayagan lang
Sumulyap sa hinaharap
Hahayaan ba? Puso ko'y umasa pa

[Chorus]
Araw-araw, pinagsisisihan ko
Na hinayaan, lamang na magkagan'to
Kung alam ko lang, ito na ang ating hangganan
Susulitin ko ang bawat oras, na kasama ka

[Bridge]
At kung meron lang akong
Isang segundong kasama mo
Ibubulong sa'yo, "hindi tumigil ang pag-ibig ko"

[Chorus]
Araw-araw, pinagsisisihan ko
Na sinayang, ang isang katulad mo
Kung alam ko lang, na ganito ating hantungan
Pipigilan ko takbo ng oras, nang makasama ka

Oras Q&A

Who wrote Oras's ?

Oras was written by Jason Marvin.

Who produced Oras's ?

Oras was produced by Jason Marvin.

When did Jason Marvin release Oras?

Jason Marvin released Oras on Sat Jan 14 2023.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com