Odnum by Ghetto Gecko (Ft. Rabeast Cat)
Odnum by Ghetto Gecko (Ft. Rabeast Cat)

Odnum

Ghetto Gecko & Rabeast Cat * Track #4 On Ahhh!

The music player is only available for users with at least 1,000 points.

Odnum Lyrics

Daming nakabanggaan bago pa 'ko tumalim
Nakipagsabayan sa tadhana humalik
Layo nang inabot, 'di na pwedeng bumalik
'Di pa siguradong gusto ko nang pumanik

Yeah, daming mga bagay pa ang gustong magawa
Eh ayokong aking oras mauwi lang sa wala
Eh minsan lang mabuhay, 'yoko pa na dumapa, yeah
Lahat tulala 'pag nawala (Wooh)

Yeah, sariling katauhan kinalaban
Yeah, baka matauhan sa mundo
Gusto kong maliwanagan nang husto (Uh)
'Di mo 'ko kagaya ,boy, tabi 'wag magulo (Aye, aye)
'Di basta karanasan ang dinaanan
Tumagal na meron din pinaglalaban
Ang mabuhay sa mundo ay karangalan
'Di binalak mabangan ka, 'di ko 'yon kasalanan

(Hanapin mo 'ko) Oh

Sumalangit nawa ang kaluluwa ko na naligaw
Naghahanap ng hiwaga, yeah, yeah
Sa mataas na tumama, 'di na mapababa, yeah

Aye, focus lang sa puntirya, yeah
Musika tinatarya, buhay ang sinasalba
Buhay ko ang nakasalya sa mundo ko nakasalta
Sobrang dami 'di mabilang mga ipon barya

Yeah, markado sa ulo mo nakaasinta
Walang tulog atat makapunta
Kung san itinodo ko lahat 'yung pusta
Dati 'di pasok ngayon tumatagos na, aye
Daming nadaanan mga buhay do'n sa byahe
Daming kulay lahat sila ibang klase
Lalo na 'ko, mas ako 'yung ibang klase
Tipong laging pinalalabas sa klase
Pero walang oras na binabakante
Bata palang walong oras na sa kalye
'Di magawang maglibang, hindi kampante
Kailangan humagilap ng pagkain
Hindi pwedeng humiling nalang sa hangin
Hindi pwedeng idaan sa panalangin
Dumadaan ang oras bawal pabagalin
Sisikapin bawat oras pabagain

Odnum Q&A

Who wrote Odnum's ?

Odnum was written by Ghetto Gecko & Rabeast Cat.

Who produced Odnum's ?

Odnum was produced by Playboibeats.

When did Ghetto Gecko release Odnum?

Ghetto Gecko released Odnum on Fri May 13 2022.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com