Pag-ibig nais ko'y iyong sabihin
Na tunay ang aking pag-ibig
Ligaya maidulot mo sana
Sa aking kasuyo ang damdamin ng aking tanging pagsinta
Namumukod na bituin
Ang tanging katulad giliw
Ang sinag ay palagi nang nagniningning
Ganyan giliw ang pag-ibig
Na sa puso ko'y nagsupli
Palagi nang nagmamahal at lagi kang susuyuin
Hindi mo ba nakikita
Ang luha sa aking mata
Bawat patak ay katumbas niyaring ligaya
Dadamayan kita sinta
Hanggang ako'y may hininga
Giliw ng buhay
Mahal kita