[Verse 1]
Pangit pala 'pag ikaw 'yung naiwang mag-isa
Kumilos lahat at ika'y naghintay sa wala (Mm)
'Di ba kailan lang, sabay tayong natutong mangarap
Saglit lang nalingat, at pagdilat, wala nang kasama, kasama
[Chorus]
Gan'to pala 'pag 'di tayo sabay
Pakiramdam ko ako'y sumablay
B'yahe nating dalawa'y 'di panghabangbuhay
Iba na ang 'yong sasakyan at ako ay naiwan
[Verse 2]
Gara pala 'pag nakita kang nagsasaya (Nagsasaya)
Kuntento na kahit hindi ako ang kasama
Ang hirap palang magpanggap na ako'y maligaya (Ako'y maligaya)
Gusto kong magalit pero hindi ko makaya, makaya
[Chorus]
Gan'to pala 'pag 'di tayo sabay
Pakiramdam ko ako'y sumablay
B'yahe nating dalawa'y 'di panghabangbuhay
Iba na ang 'yong sasakyan at ako ay naiwan
Ako ay naiwan
[Outro]
Pangit man na ako'y laging nagkukumpara
Isisi na lang sa lungkot na 'king nadarama
Sabi sa 'yo, ako'y lagi lang nakasuporta (Nakasuporta)
Pero sana naman, naisip ako ay isama
Gusto ko lang namang makasama
Naiwan was written by Carl Guevarra & CARLO (PHL).
Naiwan was produced by Carl Guevarra & Japs Mendoza & Bryle Aaron Tumaque.