Gloc-9
Gloc-9 &
Gloc-9
Gloc-9 &
Gloc-9
Gloc-9
Gloc-9
Gloc-9
Gloc-9 & &
Gloc-9 & Francis M.
Gloc-9
Gloc-9
Gloc-9
Gloc-9 & Francis M.
[Verse I:]
Natatandaan mo pa ba kung ano ang tunay na kulay ng tubig sa batis
Sa mga bata na nagnanais na magtampisaw
Tanging ikaw at ako lang ang makapagbibigay
Ng kasagutan kung saan ba talaga papunta
Ang mga puno sa gubat wag tayong magulat
Kung isang araw tayong lahat ay mamumulat
Na wala ng hangin na papasok pa sa ating katawan
Ang lahat ng ito ay dahil sa ating kagagawan
Kung meron pang natitirang malasakit sa kalikasan
Kapit kamay tayong lahat magtulungan
Sama-samang umawit kami ay 'yong sabayan
(Sama-samang umawit kami ay 'yong sabayan)
[Chorus:]
Bundok ng basura
Ilog na nananalanta
Hangin na lason ang ihip
Tanim na sa isip ko't kamalayan
Puno, nangingibang bayan
Ulan dala'y karamdaman
Tubig na malinis binibili
Baka pati ang hangin sumunod
[Refrain:]
Tabi-tabi po sa mga magulang namin
May nais lang sabihin sa inyo
Ang nag-iisang mundong iniiwan nyo sa amin
Paka-ingatan lang ng husto
Tabi-tabi po sa mga magulang namin
May nais lang sabihin sa inyo
Ang nag-iisang mundong iniiwan nyo sa amin
Paka-ingatan lang ng husto
Paka-ingatan lang ng husto
[Verse II:]
Gano pa kadaming buhay ang dapat nating ialay
Upang mapakinabangan ang bawat butil ng palay
Na palaging nasisira kapag umulan
Wala nang puno sa gubat kaya di na mahadlangan
Ang pagkalason ng hangin
Ang tangi naming dalangin
Ay may abutan pa ang mga susunod pa sa atin
At di sana maamoy kung gano kabaho ang
Ilog na dati'y palagi kong nilalanguyan
Ang napakalawak na lupang puno lamang ng basura
Di mapaglalaruan ng mga susunod na bata
Na syang sasalo sa ano mang ating pinaggamitan
Kaya sama-sama nating alagaan ang kalikasan
Bulok ang ani sa dagat
Lason ang baboy at baka
Bukid sa lalawigang malinis
Tanaw lang sa textbook ng paaralan
[Refrain:]
Tabi-tabi po sa mga magulang namin
May nais lang sabihin sa inyo
Ang nag-iisang mundong iniiwan nyo sa amin
Paka-ingatan lang ng husto
Tabi-tabi po sa mga magulang namin
May nais lang sabihin sa inyo
Ang nag-iisang mundong iniiwan nyo sa amin
Paka-ingatan lang ng husto
Paka-ingatan lang ng husto
Wag hintaying maubos ang gubat
Bago tayo sa problema'y mamulat
Bigyang pansin ang taghoy ng ating Ina
Ngayon, ngayon
[Refrain:]
Tabi-tabi po sa mga magulang namin
May nais lang sabihin sa inyo
Ang nag-iisang mundong iniiwan nyo sa amin
Paka-ingatan lang ng husto
Tabi-tabi po sa mga magulang namin
May nais lang sabihin sa inyo
Ang nag-iisang mundong iniiwan nyo sa amin
Paka-ingatan lang ng husto
Paka-ingatan lang ng husto
Nag-iisang Mundo (Bonus Track) was written by Bayang Barrios & Mike Villegas.
Gloc-9 released Nag-iisang Mundo (Bonus Track) on Tue Aug 16 2005.