[Verse 1]
Umiiyak na naman
Wala na ba itong katapusan?
Nilamon na ng lungkot
Dahil sa 'yo, ako'y laging takot
[Pre-Chorus]
Pagmulat ng mata'y wala ka na
Paggising ko, nando'n ka na sa iba
[Chorus]
Lagi na lang akong nag-iisa
Laging iniisip kung bakit ba lumisan ka
Nagtatanong lang naman ako
Kung bakit mo nagawa ito
Nang bigla mo na lang akong iniwan
[Verse 2]
Saan ako nagkulang?
Pangarap natin ay 'yong sinayang
Itutuloy na lang kahit wala ka na
Kakayanin ko namang mag-isa
[Chorus]
Lagi na lang akong nag-iisa
Laging iniisip kung bakit ba lumisan ka
Nagtatanong lang naman ako
Kung bakit mo nagawa ito
Nang bigla mo na lang akong iniwan
[Bridge]
Gulong-gulo na ako
Kailan pa ba matatapos 'to?
Tatanggapin na bang
Ika'y tuluyang wala na?
[Chorus]
Lagi na lang akong nag-iisa
Laging iniisip kung bakit ba lumisan ka
Nagtatanong lang naman ako
Kung bakit mo nagawa ito
Nang bigla mo na lang akong iniwan
[Outro]
Bakit bigla mo na lang akong iniwan?
Bakit bigla mo na lang akong iniwan?
Nag-iisa was written by Clyde Manuel Amoranto & Faith Angelyn Garcia & Jake Lorenz Nicolas & John Ace Lorenzo Gatuz.
Nag-iisa was produced by Leona.