[Intro: Eris]
Kung 'di ka para sa'kin, bakit ko pa kailangan tiisin
Ako'y susulat parin kahit magunaw man ang daigdig
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-ulat ng katotohanan
Dahil sa namulat na 'ko sa murang edad pa lang
Ay nalasahan ko na 'tong mapait
[Verse 1: Josue]
Itong kilusan ng mga tunay
Kahit aming lakad ay pasuray-suray
Mananataling uhaw sa tagumpay
Walang humpay na papatunayan
Ang tinataglay na husay, yeah
Aakalain mong galing hukay
Dahil sa dumi na nakalugay
Sa'king pagkatao ang patunay na ang buhay
Ay hindi laging makulay, yeah
[Verse 2: Josue]
Gayunpama'y taas noo ko 'yang bitbit
Imaheng nakikita sa akin 'di peke, yeah
Ako ay ako kahit walang nakatingin
Habang 'yung idolo mo nagmamalaki
Ng kahangalan kasi daw it's lit?
Drop dead! That's the definition of your illest?
Well I'm not impressed, take a deep rest
Try to drink meds
Pothead rap has got your mind a lil twisted
Lost it's keen edge best believe that
'Cause I spit facts
Locked and loaded with these bars that go
Brrrah, when I'm fired up and triggered
Lines are massive reconsider
Pointing at me with your finger
This is something you can't handlе
You'll get knocked back to oblivion
[Chorus: Eris & Josue]
Kung 'di ka para sa'kin, bakit ko pa kailangan tiisin
Ako'y susulat parin kahit magunaw man ang daigdig
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-ulat ng katotohanan
Dahil sa namulat na 'ko sa murang edad pa lang
Ay nalasahan ko na 'tong mapait
Kung 'di ka para sa'kin, bakit ko pa kailangan tiisin
Ako'y susulat parin kahit magunaw man ang daigdig
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-ulat ng katotohanan
Dahil sa namulat na 'ko sa murang еdad pa lang
Ay nalasahan ko na 'tong mapait
[Verse 3: Eris]
Sa paggising kong puyat ay para bang ako ay naman na-
Nanabik na kumarne ng mga salita na para bang isang tula
Dinaan ko lang ito sa sipag
At tyaga na para bang walang katapusan
Ang mga dagok sa'king buhay
At pangarap na hindi na maipapagmalaki
[Verse 4: Eris]
Before I start the game
Sabihin mo ngayon kung sa'tin magaling
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
Bakit pa kasi kailangan ko pa sila na paharapin
O sa makatuwid sige manalamin
Alam niyo na kung sino ba 'yung pwede banggain
I aint playin with no game or the fame
Ain't no rap shit
Killin' everybody with the flame on this track shit (woah)
[Verse 5: Eris]
Sa pagka-tira ko mismo, akin ang laro sa kalabit ng gatilyo
'Di na 'ko bata para aralin ang tama
At para sa'n pa ang talento kung hindi ka malaya
At 'yung angking abilidad, 'di naging sapat
Sa mga mata nila na mapagbalat-anyo
Ssa bagay na mahirap marating
Kahit anong hila nila ay lalo kong aabutin
[Chorus: Eris & Josue]
Kung 'di ka para sa'kin, bakit ko pa kailangan tiisin
Ako'y susulat parin kahit magunaw man ang daigdig
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-ulat ng katotohanan
Dahil sa namulat na 'ko sa murang edad pa lang
Ay nalasahan ko na 'tong mapait
Kung 'di ka para sa'kin, bakit ko pa kailangan tiisin
Ako'y susulat parin kahit magunaw man ang daigdig
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-ulat ng katotohanan
Dahil sa namulat na 'ko sa murang edad pa lang
Ay nalasahan ko na 'tong mapait
[Outro: Josue & Eris]
Bakit ko pa kailangan tiisin
Kahit magunaw man ang daigdig
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-ulat ng katotohanan
Dahil sa namulat na 'ko sa murang edad pa lang
Ay nalasahan ko na 'tong mapait
mulat was written by Josue (PHL).
Josue (PHL) released mulat on Wed Mar 03 2021.