[Verse 1]
Kay sarap bumalik sa mga masasayang alaala
Mailap na pag-ibig nating akala ay pinagpala
Ngunit 'di nagtagal ay nawala
Paulit-ulit na lang, inaabangang magkamali
[Chorus]
’Pag wala na naman tayong nararamdaman
Ay mabuti pang itigil na'ng kunwa-kunwari lang
'Pag wala na naman din itong pupuntahan
Ay mabuti pang sabihin na’ng
Salamat, salamat
[Verse 2]
Kapag ubos na ang mitsa
Anumang sindi, mapupuksa
Ang galit ay lumipas na
Inanod ng mga luha, damdamin ay lumaya
[Chorus]
'Pag wala na naman tayong nararamdaman
Ay mabuti pang itigil na'ng kunwa-kunwari lang
'Pag wala na naman din itong pupuntahan
Ay mabuti pang sabihin na'ng
Salamat, salamat
[Bridge]
At sa pagsapit ng gabi ng pinagsamahan
Ang puso'y tuturuan nang tumahan
[Chorus]
'Pag wala na naman tayong nararamdaman
'Pag wala na naman din itong pupuntahan
Ay mabuti pang sabihin na’ng
Salamat, salamat
Salamat, salamat
[Outro]
Mahal
Mitsa (Salamat) was written by Paolo Benjamin & Miguel Benjamin.
Mitsa (Salamat) was produced by Jean-Paul Verona & Ben&Ben.
Ben&Ben released Mitsa (Salamat) on Thu Feb 14 2019.