Maniwala Ka Sana by Parokya Ni Edgar
Maniwala Ka Sana by Parokya Ni Edgar

Maniwala Ka Sana

Parokya Ni Edgar * Track #16 On Khangkhungkherrnitz

Maniwala Ka Sana Lyrics

[Verse 1]
Nung una kitang nakilala, 'di man lang kita napuna
'Di ka naman kasi gano'n kaganda, 'di ba?
Simpleng kabatak, simpleng kabarkada
Lamang ang tingin ko sa'yo
'Di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito!
Ako'y napaisip at biglang napatingin
'Di ko malaman kung anong dapat gawin
Dahan-dahang nag-iba ang pagtingin ko sa'yo
Gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago
Napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso
Badtrip talaga, na-i-in love ako sa'yo
T'wing kita'y nakikita ako ay napapangiti
Para bang gusto kong halikan ang 'yong mga pisngi

[Chorus]
Minamahal kita, ba't 'di ka maniwala?
Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa'yo?
Maniwala ka sana, minamahal kita, ahh

[Instrumental]

[Verse 2]
Nasira na yata ang ulo ko, kaiisip ko sa'yo
Kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko
Pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan?
Ako'y nahihirapan, uy, wala namang ganyanan!
Pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago
Ngayon ako'y nagsisisi kung bakit ako nag-"I love you"
Kasi 'di na tayo tulad ng dati, ngayon sa akin ay diring-dire

[Chorus]
Minamahal kita, ba't 'di ka maniwala?
Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa'yo?
Maniwala ka sana, minamahal kita, ahh

[Chorus]
Minamahal kita, ba't 'di ka maniwala?
Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa'yo?
Maniwala ka sana, minamahal kita, ahh

Maniwala Ka Sana Q&A

Who wrote Maniwala Ka Sana's ?

Maniwala Ka Sana was written by Chito Miranda.

When did Parokya Ni Edgar release Maniwala Ka Sana?

Parokya Ni Edgar released Maniwala Ka Sana on Mon Mar 17 1997.

Your Gateway to High-Quality MP3, FLAC and Lyrics
DownloadMP3FLAC.com