[Intro]
“Di ko lang ah"
"Oo naman, hindi ako aalis”
[Verse 1]
Ilang beses nang hinanap
Ang liwanag sa gabing walang buwan
Nagbabakasakali na mahanap
Ang isang bituin na gagabay
Sa madilim kong mundo
[Pre-Chorus]
Biglang nakita ka
Sa ‘di inaasahang pagkakataon
Ilaw ng ‘yong ganda
Nahahalina pwede bang sa ’yo ako
[Chorus]
Ayokong umasa
Na ikaw na
Sapat na ang sayang dala
Sigla sa buhay ko, o aking prinsesa
Dinggin mo sana
Hiling ko na hagkan ako
Dalhin mo na ‘ko sa maliwanag mong mundo
[Verse 2]
Ilang oras nang naghahanap
Ng masisilungan 'pagkat umuulan
Malabo ang tingin, hirap sa paghinga ito’y bitin
Sumasabay sa pag-iyak ng mundo
[Pre-Chorus]
Biglang nakita ka
Kung sa’n tanggap ko na na mag-isa ako
Payong mo na dala
Pwede ba ako dyan sa kanlungan mo
[Chorus]
Ayokong umasa
Na ikaw na
Sapat na ang sayang dala
Sigla sa buhay ko, o aking prinsesa
Dinggin mo sana
Hiling ko na hagkan ako
Dalhin mo na ‘ko sa maliwanag mong mundo
[Interlude]
[Chorus]
Ayokong umasa
Na ikaw na
Sapat na ang sayang dala
Sigla sa buhay ko
O aking prinsesa
Dinggin mo sana
Hiling ko na hagkan ako
Dalhin mo na ‘ko sa maliwanag mong mundo
[Outro]
Dalhin mo na ‘ko sa maliwanag mong mundo
Maliwanag Mong Mundo was written by Wilbert Ross.
Maliwanag Mong Mundo was produced by Wilbert Ross & Migz Haleco.
Wilbert Ross released Maliwanag Mong Mundo on Fri Nov 07 2025.