[Verse 1]
Mahal kita, 'wag kang magbago
Sabihin ang lahat, 'wag kang magtago
Ng kahit pa ano-ano ang sikreto
Mahal kita, pangakong 'di ako mabibigla
[Pre-Chorus]
Pero pa'no kung hindi ko kayang ilahad
Ang mga salitang nararamdaman?
[Chorus]
O ganito na lang ba?
Sa simpleng "ayos lang" na lang ba tatapusin?
Ang lahat ng salitang gustong sabihin
Magpapalunod na lang ba sa mga lihim?
O maligayang pagkunwari
[Verse 2]
Takot lang sa isipan na magbago
Ang ihip ng hangin na nandirito
Hindi alam at 'di pa sigurado
Kung pa'no ba at kung saan sisimulan
[Pre-Chorus]
Pagod na sa pagtago ng nilalaman
Pero sige lang, 'di kita sasaktan
[Chorus]
O ganito na lang ba?
Sa simpleng "ayos lang" na lang ba tatapusin?
Ang lahat ng salitang gustong sabihin
Magpapalunod na lang ba sa mga lihim?
O maligayang pagkunwari
Maaayos pa ba?
O pagkatapos ng lahat, baka magbago
Ang pagtingin siguro lalo pang lumabo
Kaya naman takpan ng pag-ngiti
O maligayang pagkunwari
[Outro]
Paano kung magbago?
Paano kung magbago?
Paano kung magbago?
Mahal kita 'wag kang magbago
Maligayang Pagkunwari was written by mrld.
Maligayang Pagkunwari was produced by mrld.
mrld released Maligayang Pagkunwari on Fri Apr 01 2022.