[Verse 1]
'Di mo man aminin
'Di maaring ipagkaila
'Di ko man suriin
'Di maaring itago pa
Ang kislap ng 'yong mata
'Di ko na makita
Kulimlim ang umaga
May bagyong nagbabanta
[Verse 2]
Sampu mang pangako
'Di na maaring ibalik
Ang dating pagsuyo
Ang tamis ng iyong halik
Bawat alaala
Hapdi ng pag-iisa
At sa maling akala
Mapait ang naging bunga
[Chorus]
Malayo na ang puso
Kasama ang mga pangako
Malayo na ang puso
Dalawang landas na 'di na magtatagpo
[Verse 3]
Kung mayro'n mang naiwan
Natira sa puso ko
Hayaan mong tumubo
Hayaang muling mabuo
Pagdating ng panahon
Pag-ibig ko'y babangon
Mula sa pagkakabaon
Bagong pagkakataon
[Chorus]
Malayo na ang puso
Kasama ang mga pangako
Malayo na ang puso
Dalawang landas na 'di na magtatagpo
Ang puso
Kasama ang mga pangako
Malayo na ang puso
Dalawang landas na 'di na magtatagpo
Malayo Na Ang Puso was written by Chickoy Pura.
The-jerks released Malayo Na Ang Puso on Fri Nov 07 1997.