[Verse 1]
Paano ko aaminin ito?
Tunay kong nadarama para sa 'yo
Alam ko na magkaibigan lang
At may ibang nilalaman ang 'yong puso
[Pre-Chorus]
Pa'no ko kaya matututunan kalimutan lang?
Pagtibok ng puso ko'y mapipigil ko pa
[Chorus]
Pag-ibig na 'di pa mapagbibigyan
At hindi ko magawang pakawalan
Maghihintay ako, maghihintay sa 'yo
Dahil bukas malay mo maging tayo
[Interlude]
Mmm
[Verse 2]
Kay tagal ko na nadarama
Paglukso nitong damdamin t'wing nariyan ka na
O bakit di mo tingnan, tamis nating pinagsamahan?
Bawat sandaling tinawag mo ang aking 'ngalan
[Pre-Chorus]
Paano kung nabubulagan na ang iyong pagtingin?
'Pagkat sigaw ng puso ko ako'y iyo't ika'y akin
[Chorus]
Pag-ibig na 'di pa mapagbibigyan
At hindi ko magawang pakawalan
Maghihintay ako, maghihintay sa 'yo
Dahil bukas malay mo maging tayo
[Bridge]
Sa tagal na magkasama, ano bang 'di nakikita?
At kailangan bang humanap ng iba
Kung hindi maging isa mundo nating dalawa
Ako sana'y iwanan na
[Chorus]
Pag-ibig na 'di pa mapagbibigyan
Ngayon na ba ang panahong pakawalan?
Ngunit natututo ba? Tigilan na sa pag-asa
Na baka bukas malay mo maging tayo
[Outro]
Ooh-ooh
Malay Mo Maging Tayo was written by Ann Figueroa.
Manilyn Reynes released Malay Mo Maging Tayo on Tue Jun 05 2018.