[Verse 1]
Aking mahal, ramdam ko ang 'yong mga pangamba
'Di alam kung sa'n dadalhin ng tadhana
Magtiwala ka, pagsisikap mo'y magbubunga
Tatagan mo lang ang 'yong loob, sa sarili'y maniwala
[Pre-Chorus]
At kung mapagod ay magpahinga
May bukas pa para sa bagong pag-asa
[Chorus 1]
Halika't sa 'kin ay sumandal
Mga pangamba mo ay sabihin mo lang
Magbibigay muli sa'yo ng katiyakan
Mga pangarap mo'y makakamit
Magtiwala ka lang
[Chorus 2]
Halika't sa 'kin ay sumandal
Yayakapin ka't hindi bibitaw
Hawak-hawak ang iyong kamay
Sabay nating haharapin
Anumang pagsubok ang dumating
Magtiwala ka lang
[Verse 2]
Aking mahal, alam ko ring ika'y nahihirapan
Tila pasan mo ang mundo, napapagod nang lumaban
Iyong tandaan, lahat ng iyan ay may hangganan
Bawat balakid sa iyong daan ay malalampasan
[Pre-Chorus]
At kung mapagod ay magpahinga
May bukas pa para sa bagong pag-asa
[Chorus 1]
Halika't sa 'kin ay sumandal
(Sa piling mo ako'y sasandal)
Mga pangamba mo ay sabihin mo lang
(Sabihin mo sa 'kin)
Magbibigay muli sa'yo ng katiyakan
Mga pangarap mo'y makakamit
Magtiwala ka lang
[Chorus 2]
Halika't sa 'kin ay sumandal
(Sa piling mo ako'y sasandal)
Yayakapin ka't hindi bibitaw
(Hindi ako bibitaw)
Hawak-hawak ang iyong kamay
Sabay nating haharapin
Anumang pagsubok ang dumating
Magtiwala ka lang
[Chorus 1]
Halika't sa 'kin ay sumandal
(Sa piling mo ako'y sasandal)
Mga pangamba mo ay sabihin mo lang
(Sabihin mo sa 'kin)
Magbibigay muli sa'yo ng katiyakan
Mga pangarap mo'y makakamit
Magtiwala ka lang
[Chorus 2]
Halika't sa 'kin ay sumandal
(Sa piling mo ako'y sasandal)
Yayakapin ka't hindi bibitaw
(Hindi ako bibitaw)
Hawak-hawak ang iyong kamay
Sabay nating haharapin
Anumang pagsubok ang dumating
Magtiwala ka lang
Magtiwala Ka Lang (Theme from ”Start Up Ph”) was written by Natasha Correos.
Magtiwala Ka Lang (Theme from ”Start Up Ph”) was produced by Rocky Gacho.
Thea-astley released Magtiwala Ka Lang (Theme from ”Start Up Ph”) on Thu Sep 29 2022.