[Verse 1]
Lumalalim ang gabi
Kasama ko ang mga bituin sa langit
Sila ngayon ang aking saksi
Sa ating pag-ibig
[Verse 2]
Nababaliw sa iyong ganda
Nalalasing na sa iyong ngiti
Ngayong kasama na kita
Anong ligaya
[Pre-Chorus]
At dahan-dahan kong hinawakan ang iyong pisngi
At ika'y pumikit
At unti-unting lumalapit
Ang ating mga labi
[Chorus]
Magkayakap sa lamig ng gabi
Minamasdan ko ang himbing ng iyong pag-idlip
At hinding hindi kita bibitawan
Kahit matapos itong gabi
Alam ko, bukas akin ka pa rin
[Verse 3]
Sana'y 'di magwawakas
Itong kaligayahan hatid ng gabi
Yayakapin kang mahigpit
Hanggang umaga, oh
[Verse 4]
At lagi mong isipin 'to
Hinding hindi ka na muling luluha
Hindi sa 'yo magsasawa
At sa ating pag-ibig, oh
[Pre-Chorus]
At dahan dahan kong hinawakan ang iyong pisngi
At ika'y pumikit
At unti-unting lumalapit
Ang ating mga labi
[Chorus]
Magkayakap sa lamig ng gabi
Minamasdan ko ang himbing ng iyong pag-idlip
At hinding hindi kita bibitawan
Kahit matapos itong gabi
Alam ko, bukas akin ka pa rin
[Pre-Chorus]
At dahan dahan mong hinawakan aking pisngi
At iko'y pumikit
At unti-unti mong nilapit sa akin
Ang 'yong labi
[Chorus]
Magkayakap sa lamig ng gabi
At kahit hindi ko sabihin
Alam mong mahal kita
At hinding hindi kita bibitawan
Kahit matapos itong gabi
Alam ko, bukas akin
Magkayakap sa lamig ng gabi
Minamasdan ko ang himbing ng iyong pag-idlip
At hinding hindi kita bibitawan
Kahit matapos itong gabi
Alam ko, bukas akin ka pa rin
[Outro]
Akin ka pa rin
Akin ka pa rin
Magkayakap was written by Emman Abatayo.
Emman Abatayo released Magkayakap on Thu Feb 14 2019.