Gloc-9 & Sly Kane
Gloc-9 & Regine Velasquez
Gloc-9 & Eunice Jorge
Gloc-9 & Rico Blanco
Gloc-9
Gloc-9
Gloc-9 & Marc Abaya
Gloc-9 & Quest (PHL)
Gloc-9 &
Gloc-9 & Zia Quizon
Gloc-9 & & & Kamikazee
Gloc-9
Gloc-9
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo
Ito'y kwento ng isang babae, tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, sa lugar
Na ilaw ay patay sinde
Simulan natin ang storya
Ako'y kanyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat nyong malaman, wag ng magbulagbulagan
Bakit ang nais natin ay, malaman ang baho ng iba
Pag bibigyan kita, kilala mo ba si magda
Na aking kababata mula pa ng pagkabata
Kami lagi magkasama Mga bangkang papel sa sapa
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
At pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga
Tuwing kausap kona malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman pinilit kong isara ang
Bibig at pintig ng puso para sa kanya
At sasayawan matapos kaming makapag tapos
Dahil pinawis ang mukha ako'y nag punas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay nag mamadaling hinila
Pinakilala nya lalake na taga maynila
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin
Na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo
Maraming taon ako'y nalipasan pinilit ko mang takasan
Bagkos ay aking nalaman ang tunay kong kailangan
Di ko maibaling ang pag tingin ko sa iba
Minamahalko sya hahanapin ko si magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinag
Tatrabahuan
Nakita kong larawan nya na nakadikit sa pintuan
Iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan
Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
Dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
Madaming lamesa't mga nag iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka nag tanong nag kamot
Bakit sya sumasayaw na sapatos lang ang suot
Ito'y kwento ng isang babaeng, Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, Sa lugar
Na ilaw ay patay sinde
Ituloy natin ang storya
Agad s'yang sumama sakin walang kakaba kaba
Ang trato nya sakin ay nobyo tila kataka taka
Bumaba sa taxing pinara sa may Sta. Mesa
Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
Kung ito ay panaginip ayaw ko nang magising
Ngunit akoy nanaginip umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
Liham para sakin na isinulat nya magdamag
Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
Di malilimutan ang mga sinabi nya sa akin
Mahal kong ernesto alam kong tulog mo'y
Malalim
Di nako nag paalam dina kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
At sa pinaka masayang gabi ng aking buhay
Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
Isang tunay na pag ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan saan at kung kani kanino
Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
Imbes na ako'y sagipin itinulak sa bangin
Ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin, Kung makati gamutin
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake
Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sayong mga yakap
Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sayo ay di karapatdapat
Pinagarap kong sa altar akoy iyong ihatid
Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng may kapal ng ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, Nagmamahal magda
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo Ito'y kwento ng isang babae