[Verse]
Bawat patak man ng ulang masinsin
Ay lagyan ng talim, ako ay sasayi
'Di ko iindahin ang ulos at hiwa
Ng mumunting patalim
[Pre-Chorus]
Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay
Lilim nito ay langit na aking tanggulan
[Chorus]
'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw
Lulunurin ng unos ang marupok kong buhay
Aking hihintayin ang iyong pasabing
Magbalik ka na, mahal
[Pre-Chorus]
Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay
Lilim nito ay langit na aking tanggulan
[Chorus]
'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw
Lulunurin ng unos ang marupok kong buhay
Aking hihintayin ang iyong pasabing
Magbalik ka na, mahal
Magbalik Ka Na Mahal was written by Ryan Cayabyab.